Last update for this day. Thank you so much!
***
Hindi 'yon panaginip.
Malakas ang kutob ko na hindi panaginip ang nangyari kagabi. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa ang init ng palad niya sa baywang ko, ang malambot niyang labi sa leeg at panga ko.
Gumising ako at wala ulit siya.
Hinayupak na 'yun, hihingi na nga lang ng tawad hahawakan at hahalikan pa ako.
"Parang kahapon lang ang lungkot-lungkot mo. Ngayon naman naka busangot ka riyan," inayos ni singkit ang bag na nasa likuran ko.
Hinawakan niya rin ang braso ko, senyas na umayos ako ng upo.
"Ginapangan kasi ako ng ipis kagabi."
Ang makinis niyang noo ay nangunot at hindi maka paniwalang tumitig sa akin.
"Noong nakaraang gabi kinagat ka ng ipis sa mata, ngayon naman gumapang sa iyo."
Inis kong kinamot ang aking pisngi.
Namukunsumi ako.
"Adik 'yung ipis, mahilig yata sa sexy at mabango."
Bigla siyang tumawa, umiling iling pa at yumuko.
Pero totoo nga, kahit pa bagsak-bagsak na ang mga mata ko kagabi ay hindi ako pwedeng magkamali na tumabi sa akin si Cardan. Hinaplos pa ako ng walang hiyang 'yun.
Ang lakas-lakas ng loob hawakan ako, pero hindi man lang mag pakita sa akin matapos niyang hindi ako sunduin. Ibang klase rin siya.
"Good luck ulit, maki pag kaibigan ka na, para naman hindi buong araw ay naka simangot ko."
Inirapan ko si singkit. Naku, kung hindi lang siya gwapo baka tuluyan ko na siyang dinurug. Ang lala din mang-asar.
"Alis na ako."
"Good luck, Rian!"
Dumiretso ako ng pasok sa campus. Nag lalakad na ako sa may hallway ng makitang nag kakagulo ang mga estudyante. Merong nag aaway, sumilip ako roon dahil masyado akong curious.
May tatlong lalaki na bagsak na sa sahig, may dugo ang isa rito habang may naka patong na isang lang lalaki ay patuloy siyang pinag-susuntok.
Umangat ang isa kong kilay ng makilala kung sino 'yun.
Matthew Laurier, kakambal ni Nathan. Siya 'yung nabato ng chalk ng professor noong nakaraang araw. Merong umaawat sa kaniya pero hindi naman nag papaawat.
Tigas ng ulo.
Hinayaan ko na 'yun, dumaan na lang ako sa may damuhan hanggang sa maka pasok ng classroom. Nakita kong nag uusap si Yuri at Marisa, naka tuon naman ang atensyon ni Daniel at Nathaniel sa cellphone.
Kinalabit ko ang maputi.
"Nakikipag away kambal mo roon."
Kumibit balikat ang lalaki, umupo ako sa aking upuan.
"Hayaan mo siya, sanay na kaming palagi siyang nakiki pag away."
Tumayo si Yuri at umupo sa harap ko, nginitian niya ako.
"Mukhang okay ka na ngayon, ah. Nag kabati na kayo?"
"Nino?"
"'Yung hindi nag sundo sa iyo. Papa mo? Kapatid? Boyfriend?"
Umiwas ako ng tingin at ngumuso.
"Ipis siya."
"Ano raw?" At dahil mukhang dakilang chismoso itong si Daniel. Lumapit na rin siya sa akin at iniwan ang kasama.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
