Nag aalangan akong bumaba para mag pakita sa kanila.
Ang sexy ko.
Letche, school ang pupuntahan ko hindi bar. Kinuha ko ang isang hoodie na naka patong sa may kama. Itinago ko ito sa bag, ilalagay ko ito mamaya pag pasok ko sa school. Ilang beses akong huminga ng malalim bago naisipang lumabas ng kwarto.
"Andiyan na siya," hala, nandito na kaagad si singkit!
Pag baba ko ay nakita ko silang nag aabang. Katulad ng dati, nandiyan si Azrel, nasa likod niya ang dalawang kalbo na body guard. Naka upo naman si Cardan sa sofa habang naka titig lang sa akin. Hinihintay ang tuluyan kong pag baba.
"Aalis na?"
Hinawi ko ang buhok na tumatakip sa aking mata. Humawak ako sa railing, naka lagay na ang bag ko sa aking likod. Naka ayos na rin ako, nag lagay ako ng kaunting foundation sa mukha, nag lipstick din ako ng light red at nag lagay ng kaunting blush on-- hindi ko alam na may kasama palang make up doon sa mga plastic bag kaya naisipan kong gamitin na.
"Maya-maya, medyo maaga pa. Bagay sa iyo 'yung uniform."
"Salamat, singkit."
Tumingin ako may Cardan. Hindi ko alam kung natutuwa ba siya o ano, hindi ko mabasa kung anong reaction ang meron siya kaya kumunot ang noo ko.
Gumalaw ang kaniyang ulo. He examined my appearance. Medyo matagal siyang napa titig sa dibdib ko bago bumaba sa aking hita at binti. Pasimple kong tinakpan ang aking paa at lumapit kay singkit.
"P-pwede na bang umalis?"
"Maaga pa nga, nag mamadali ka?"
"Hindi, hindi ko pa kasi kabisado ang school na 'yun. K-kakabisahin ko lang sana."
Naka tingin ako kay singkit, pero nararamdaman ko ang mga matang naka titig sa akin. Ang nag liliyab na mga mata ni Cardan. Hindi pa siya nag sasalita.
Anong problema niya?
"Baka sarado pa roon, umupo ka na muna."
Pinag diin ko ang aking labi. I felt uncomfortable, I can feel his eyes wandered at me. At mayroon akong kakaibang nararamdaman sa mga matang 'yan.
Kagabi pa siya, ah.
Akala niya hindi ko alam na hinaplos niya ang braso ko kahapon. At hinalikan pa ang balikat ko ng walang hiya. Akala niya siguro ay mahimbing na ang tulog ko ng gabing 'yun.
"Here's your schedule," inabot sa akin ni singkit ang isang papel.
Mamaya ko na 'yan titingnan, tinago ko na muna ito sa loob ng aking bag. Umayos ako ng upo at ipinatong ko ang dalawa kong kamay sa aking kandungan.
"Kapag tapos na ang klase mo, mag message ka sa akin. Susunduin ka namin."
"Pwede bang sa ibang araw ako nalang ang uuwi mag isa?" Tumagilid ang ulo ni singkit. "K-kakabisahin ko lang naman ang daan para hindi ako maliligaw."
"Hindi ka pwedeng mag isa," sa wakas ay nag salita rin siya.
Tiningnan ko si Cardan.
"Bakit naman? Hindi na ako bata para ihatid-sundo, hindi naman ako tatakas."
Hindi na siya sumagot pa. Nakita kong tumayo si singkit, tiningnan nito ang kaniyang relo.
"Halika na, pwede na tayong umalis."
Ngumiti ako at tumayo, nagulat ako ng bigla ring tumayo si Cardan. Nilagpasan niya si singkit at binanggaan pa ito sa balikat. Nakita kong huminto siya sa labas ng pinto.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
