Salamat sa lahat ng bumati. I love you!
***
"Mag usap tayo, Rian!"
Mabilis akong tumakbo palabas ng kotse. Muntik ko ng mabanggaan si singkit, mabuti na lang ay mabilis siyang naka iwas. Tumatakbo na ako papasok ng mansion, habang siya naman ay nag lalakad lang pero para bang kayang-kaya na niya ako maabot.
Sonic!
"Rian! Huwag mo akong tatalikuran."
"Ayaw kitang kausap!"
Sigaw ko pabalik, natahimik ang mga maids na nadaanan ko pati na rin si Yolly. Mas binilisan ko ang aking pag takbo hanggang sa makarating sa itaas, bago pa man siya maka pasok sa kwarto ko ay mabilis ko 'yung isinara at ni-lock.
"Rian, open this door!"
"Manigas ka!"
Nanginginig ako sa kaba, paano niya ako napuntahan ng ganoon ka-bilis?! Kay singkit ko isi-nend ang address hindi sa kaniya, traydor talaga ang lalaking 'yun. Siguro ay sinabi niya kay Cardan ang pag alis ko.
Hindi ko sa kaniya ibibigay ang lumpia, lintik siya.
Patuloy siya sa malalakas na pag katok habang ako ay naka upo sa kama, gusto kong umiyak. Natatakot kasi ako sa kaniya, wala naman akong ginawang masama, ah?
Naki birthday lang kami.
Tapos na nga lang.
"Open this goddamn door, Rian, kung ayaw mong sirain ko ito."
Kinagat ko ang aking ibabang labi. Bakit ba palagi na lang siyang nagagalit sa tuwing umaalis ako? Hindi naman habang buhay ay palagi ko siyang susundin. Pinag bigyan ko siyang pag aralin ako pero hindi ko sinabi sa kaniya na diktahan niya ang buhay ko.
Hindi ako sumasagot. Napapa igtad ako sa tuwing kumakatok siya ng malakas, galit na galit. Patuloy lang siya sa pag kakatok na kulang na lang ay sipain na niya ang pintuan.
Kapag sinira niya 'yan, siya rin naman ang mag papa-ayos.
At dahil wala akong nagawa ay tumayo ako, binuksan ko ang pinto at tiningala siyang may galit sa mata.
"Rian--"
"Huwag kang papasok!"
"Mag usap tayo."
"Ayoko nga!" Sigaw ko sa kaniyang mukha na para bang batang nagagalit.
Gusto ko siyang suntukin, kaya lang sayang ang gwapo niyang mukha.
"Stop being so immature!"
"Immature? I-iyan ba ang tingin mo sa akin? Sumama lang naman ako sa kanila para maki-birthday!"
"At hindi ka nag paalam sa akin," naging malumanay na ang boses niya. Hinihingal ako sa galit.
"N-nag paalam ako kay Azrel."
"Kay Azrel, Rian. Nag paalam ka kay Azrel at hindi sa akin."
Akmang hahakbang siya papasok pero iniharang ko ang pinto.
"Hindi mo ako papayagan kung sasabihin ko sa iyo."
Hindi siya nag salita, tuloy-tuloy siya sa pag lunok. Nag pipigil sa galit at kumukuyom ang kamao.
Suntukan?!
"You can just... you can just simply message me at sasamahan kita."
"Ayaw ko nga! Hindi kita gustong kasama, hindi naman sa lahat ng oras dapat ay palagi kang naka bantay."
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
