Mamayang gabi ang sunod na update. Thank you!
***
"Gusto mong ice candy?"
Tumango ako bilang pag sagot. Ibinigay naman ito ni Granada sa akin. Panda flavor ang sa akin, sa kaniya ay chocolate. Mas masarap 'yung buko.
Naka upo lang kami ngayon dito sa ilalim ng puno, wala kaming klase ng isang oras. Hindi na namin naisipan pang umalis dahil baka maulit nanaman ang nangyari. Delikado.
Galit pa naman si Cardan.
Hindi ako pinatulog ng queen inang sulat na 'yun.
Sigurado akong ang pangalan ni dad ang naka sulat doon, hindi ako nag kakamali. Mas malinaw pa ang mga mata ko sa salamin kaya hindi ako pwedeng mag kamali.
Si dad ba ang tinutukoy nilang babae ni Madam Clarita? Gusto kong mabasa 'yung sulat pero itinago sa akin ni Cardan. May alam siya! Alam kong may alam siya, dahil kung wala ay hindi niya sa akin kukunin ang sulat na 'yun.
Kung wala siyang alam ay hindi siya magagalit sa akin ng makita niya 'yun. Bumuntong hininga ako at isinubo ang ice candy. Napapikit pa ako ng mariin.
Lamig! Sakit sa ulo, tagos hanggang utak.
"Anong gagawin natin ngayon dito?"
"Hindi ko alam."
"Wala si Yuri."
Oo nga pala. Lima lang kaming nandito ngayon. Hindi ko alam kung bakit hindi pumasok si Yuri, hindi siya nag iwan ng message kahit isa man lang sa amin.
Kulang tuloy kami.
"Pumunta ako sa kanila bago umuwi, nahihilo raw." Sagot ni Marissa habang pinupunasan ang bibig na ngayon ay nay kalat ng chocolate mula sa ice candy.
"Nahihilo? May sakit si Yuri?"
"Hindi ko alam, 'yun ang sabi ng ate Yolly at ng mama niya. Hindi nga nag papakita sa akin."
Ano naman nangyari sa kaniya? Baka nga may sakit lang kaya hindi naka pasok. Hinahanap din kasi siya kanina ni Sir Verpes kaya sigurado akong maging siya at hindi alam kung ano ang nangyayari kay Yuri.
"Akyat ako ng puno, init dito."
Umakyat si Granada at itinapon ang plastic ng ice candy sa kung saan. Bumangon ako, tumayo at tiningala para tingnan siya. Pinapanood ko lang siyang umakyat.
Marunong din akong umakyat sa puno, ganiyan ang ginagawa namin noon ni kuya sa probinsya kapag gusto namin mag nakaw ng mangga.
"Teka, akyat din ako." Sumunod naman sa kaniya si Nathaniel at Marissa.
Naiwan tuloy kami rito ni Matthew, nakahiga siya sa kaniyang bag. Ang kanan niyang kamay ay naka patong sa kaniyang noo, katulad ng dati at natutulog ulit.
"Akyat ka ba, Rian?"
"Hindi na, dito na lang ako."
Hawak ko ang aking cellphone gamit ang kaliwa kong kamay. Hinihintay ko kasi ang pag reply ni singkit. Sinabi ko sa kaniya na kinuha sa akin ni Cardan ang sulat. Kaya ngayon ay tinatanong ko kung kinunan niya ng litrato ang sulat.
Hindi ko kasi alam kung saan itinago ni Cardan 'yun, at kung itinago niya man 'yun ay siguradong sa hindi ko makikita.
"Rian."
"Ay adonis dancer!" Napa takip ako sa aking bibig ng biglang mag salita si Matthew sa gilid ko.
Tarantadong 'to. Akala ko pa naman tulog, kumunot ang noo niya sa sinabi ko kaya umiwas na lang ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
