Bukas na.
Kinakabahan ako.
Linggo ngayon at bukas na ako mag sisimulang pumasok. Hindi ako mapakali sa pwesto ko rito sa kama habang tinititigan ang isusuot kong damit para sa school.
Hindi ako makapaniwalang magiging estudyante ako ulit.
Thanks to my sugar daddy.
Kinagat ko ang aking kuko. Kinuha ko ang cellphone na ibinigay sa akin, isang araw ng hindi nag o-online si kuya, hindi ko tuloy siya maka musta. Hindi rin siya active dito sa messenger, ang tanging social media lang na meron siya ay Facebook-- hindi man lang din nag po-post ng picture.
'Yung cover photo niya ay picture naming lahat. Christmas 'yun, birthday ko rin, maraming handa sa hapag kainan namin. Nasa mag kabilang gilid si mom and dad, mag katabi naman kami ni kuya. Lahat kami naka ngiti, maliban lang sa lalaking katabi ko.
Ngumiti ako habang pinagmamasdan 'yun, last year pa ito. Medyo bata pa ako rito, hindi naman ako masyadong tumangkad, wala naman masyadong nag bago sa mukha ko kaya makikilala pa rin ako.
I smiled and saved the picture.
Magpapaskong walang mga magulang...
At para hindi ako maiyak ay bumangon ako, nilibang ko ang aking sarili sa pamamagitan ng pag panood sa dagat. Habang tumatagal ay maraming dumadayo sa dagat na 'yan, karamihan ay mga batang nag tatakbuhan. May mga turista rin pero lumalabas sila kapag tirik na tirik ang araw.
Meron naman akong nakikita, pamilya, minsan ay nag lalagay sila ng tela sa may buhangin at doon sila umuupo habang kumakain.
Sa tuwing hapon ay uupo ako rito sa kama, inaabangan ko ang pag lubog ng araw.
I love sunset.
Mahilig kami ni kuya sa sunset, kaya naman kapag wala kaming pasok sa school ay pumupunta kaming dalawa sa dagat. Minsan ay napaagalitan pa kami ni dad dahil umaalis kami ng walang paalam.
Nang makarinig ako ng ingay mula sa sala ay lumabas ako ng kwarto, nanatili ako rito at sumilip. Nakita kong pumasok si singkit, may dala siyang mga pagkain. Kasama niya ulit 'yung dalawamg bodyguard na kalbo.
"Rian, come here."
Walang iniiwang salita na bumaba ako. Sinilip ko ang mga dalawa, kumunot ang noo ko. Meron doong mga bagong damit bukod sa mga pagkain.
Umawang ang labi ko ng makita ang tatlong brands.
May Gucci.
Merong Loui Vuitton.
At merong Prada.
"S-sa akin 'yan?"
"Yes, inutos sa amin ni Cardan noong nakaraang araw."
Lumapit ako roon at sinilip ang mga damit, halatang magaganda ang mga disenyo at ang tela na gamit. Pero karamihan dito ay mahahaba. Wala akong nakitang kahit medyo maikli sa hita at sa tiyan.
"Lahat ito?"
"Yeah, gracious... nahirapan pa kaming makuha 'yan."
"Ano namang gagawin ko sa lahat na 'yan? A-ang dami naman atsaka... m-mahal ito."
Ngumisi sa akin si singkit.
"You can't do anything if it's Cardan Grimaldi."
Awkward akong bumigay ng ngiti sa kaniya. Sampung plastic bag ang naka patong sa sofa, halos lahat ng 'yun ay may tatak ng iba't ibang brands ng damit.
"Ah, here..."
May inabot pa siyang isang bagay sa akin.
"Pabango?"

BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.