Kain lang ako then update ulit. Thank you!
***
"Damn you, Cardan! Inutusan kitang bantayan siya, hindi buntisin!"
Naiirita ako, kinamot ko ang aking tainga. Tumayo ako at sinaraduhan silang dalawa ng pinto. Naiirita ako sa boses nila, baka mamaya ipakain ko sa kanila 'yang ipis na nakikita ko eh.
Umupo ako sa kama at tinitigan ang ibaba. Nandito na ako ulit sa bahay ni Cardan, sumama naman itong si kuya Eros dahil babawiin na niya ako.
Paano niya ako babawiin eh kanina pa siya nakikipag away kay Cardan?
Hinawakan ko ang aking noo. Akala ko pa naman...
Dumagdag si kuya sa sakit ng ulo ko.
Huminga ako ng malalim at humiga sa kama, hindi ko alam kung matutulog ba ako o ano. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin ngayong araw. Kinagat ko ang aking ibabang labi, at dahil wala akong nagawa ay nag message ako sa kanila na mag kita-kita kami sa school.
Bahala ang dalawang lalaking 'yan.
Tumayo ako at kumuha ng sumbrero, nag ayos lang ako ng kaunti bago buksan muli ang pinto. Nag aaway pa rin sila, may sugat sila sa mukha at magulo pa rin ang itsura.
"Rian, where are you going?"
"Hindi ka aalis."
"Aalis ako, nakaka irita 'yang boses niyo. Babalik din ako mamay--"
"Baka kung anong mangyari sa iyo."
Lumunok ako. Naramdaman kong lumapit si kuya at hinawakan ang braso ko, mainit ang palad niya pero hindi nakaka paso kumpara kay Cardan.
"Huwag kang aalis. Dito ka lang--"
"Kapag hindi niyo ako pinayagang umalis ay hindi ako sasama sa kahit isa sa inyo."
Walang nag salita sa kupal.
Kinamot ko ulit ang aking ulo. Naka titig na lang sila ngayon sa amin.
Dalawang jumbo hotdog!
Dalawang jumbo hotdog ang nakikita ko ngayon. Ang isa ay matalinong hotdog na si kuya Eros. At ang isa naman ay malibog na hotdog na si Cardan.
"Aalis ako at walang pipigil sa akin, mag papahatid na lang ako sa kaibigan ko. Bye."
Hindi na sila nag salita pa. Wala ng pumigil sa akin kaya tinalikuran ko na silang dalawa. Bumaba ako at naabutan doon si singkit. Hindi ko na rin siya pinansin, kaagad akong nag hintay sa may gate at nadatnan na roon ang kotse ni Granada.
The flash.
"Rian! Halika, pasok ka na."
Bigla akong nakaramdam ng hiya ng makita si Matthew. Nahihiya pa rin ako sa nangyari ng gabing 'yun, nahihiya ako sa kanilang lahat. Nasigawan ko si Mat, umalis ako at pinag alala sila. Ngayon naman ay nag message ako sa kanila na sunduin ako na para bang walang nangyari.
"S-sige."
Pumasok na ako sa loob, katulad ng dati ay katabi ko si Mat at Nathaniel, nasa dulo naman si Yuri na naka tingin sa akin.
"Saan punta?"
"Bar tayo, pam-pawala ng stress," nagulat silang lahat sa sinabi ko.
"Siguro ka?"
"Mag-aaya ba ako kung hindi sigurado?" Inirapan ko siya at napakamot naman si Granada sa kaniyang batok.
"Kagagaling mo lang sa hospital, Rian. Baka kung mapano ka," tiningnan ko si Yuri.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
