"Saan ka pupunta?" Tinanong ko siya ng makitang naka ayos ang itsura niya.
"Office," iba ang ayos niya ngayon kumpara sa ayos niya noong mga nakaraang araw.
Ngumuso ako at kumuha ng pagkain sa refrigerator. Tatlong araw na lang ay papasok na sa school. Araw-araw ay paulit-ulit lang ang nangyayari. Bago siya papasok sa trabaho niya ay pinaghahandaan niya na muna ako ng almusal at tanghalian.
Wala akong ibang ginagawa buong mag damag kundi ang manood ng tv at kumain. Kapag napapansin ko namang magulo ang loob na ito ay nag lilinis ako. Umuuwi naman siya ng seven sa gabi, ang pinaka matagal niyang pag uwi ay nine pm. Hanggang doon lang at hindi lumalagpas.
Natutulog naman ako sa kwarto niya samanatalang dito siya sa sofa. Naaawa nga ako sa kaniya, minsan nadadatnan ko siyang naka higa riyan.
Lagpas na lagpas ang paa niya, hindi rin siya masyadong gumagalaw dahil mahuhulog siya. Minsan naman ay nakakatulugan niya ang pag babasa ng mga documents. Alam kong ceo siya ng kompanya niya pero hindi ko alam kung ano ang negosyo niya.
Marami pa akong hindi alam tungkol sa kaniya.
"Pwede akong sumama?"
"Hindi."
"Sama ako, nakaka boring na kasi. Atsaka, nakakasawa na rin mukha mo."
Sinamaan niya ako ng tingin, inayos niya ang suot niyang sapatos at inilagay ang kaniyang relo.
"No, hindi ka sasama."
"Bakit? Hindi pwede? Bilis na, sama mo na ako. Behave lang ako roon, promise!"
Itinaas ko pa ang kanang kamay ko.
When I was a child, mom and dad always took me with them whenever they went somewhere. Si kuya naman ang naiiwan sa bahay. Masyado siyang bookworm, parang mamamatay kapag hindi nakaka hawak ng libro sa isang araw.
Kaya ngayon ay malabo na ang kaniyang mata. Nakita ko roon sa Facebook account niya ang profile picture niya, naka suot siya roon ng salamin habang seryosong naka titig sa libro. Mukhang stolen shot lang 'yun na hindi niya alam, kinukunan na pala siya ng litrato.
"Mag ayos ka." Ngumiti ako.
Sa bandang huli ay papayag din pala siya. Dami pang arte.
Tumakbo ako papasok sa kwarto. At dail ubos na ang mga shirt at pantalon ko, kinuha ko ang isang bestida. Ang haba nito ay hanggang sa aking tuhod.
Kaagad ko 'yung sinuot pati na rin 'yung sapatos na binili ko noong nasa mall kami. Inayos ko ng kaunti ang kulot kong buhok, hinayaan ko itong naka baba at inilagay ang isang ribbon na headband. Nang makuntento ako sa itsura ko ay tumakbo ako ulit pababa.
Medyo mababa lang naman ang heels na ito kaya imposible akong madapa.
"Okay na! Tapos na, halika na."
Nakita ko pa siyang umiling iling ngunit inunahan ko na siya sa pag lalakad. Lumabas ako na para bang may-ari ng kwarto na 'yun. Hinintay ko siyang makalapit bago ako pumasok sa elevator.
"You can't do anything there, dapat hindi ka na sumama."
"Uupo lang ako roon, masama bang panoorin ka?"
Nasa unahan ko siya samantalang nasa likuran naman niya ako kaya hindi ko nakikita ang itsura niya.
"Yes, it will."
Umirap ako, bumukas ang elevator at nag tinginan kaagad ang mga tao. Nang tuluyan kaming maka labas ng hotel ay nakita ko kaagad ang naka parada na kotse.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
