Hello! I made Facebook account (Soyang Wp) You all can add me as a friend. I will post my updates there and my future works. Let's all be friends. Thank you! Love lots!
***
Dito 'yung room.
Sigurado ako...
Tiningnan ko ulit ang nasa papel. Pati pangalan ng professor, tama... tama dito nga 'yun.
Hahakbang pa lang sana ako, papasok pa lang sana ako sa loob ng biglang may bumangga sa akin. Muntik na akong sumubsob, mabuti na lang at naka hawak ako kaagad sa may upuan.
"Hala ka!"
"Sorry, miss. Sorry."
"Bago?"
Kahit na nairita ako sa nangyari ay nilingon ko sila. Tatlong lalaki at dalawang babae.
'Yung isang lalaki na pinaka matangkad, kayumanggi ang kulay ng balat. Payat at medyo may kalakihan ang mga mata, makinis at matangos ang ilong. Ang isa namang lalaki ay kasing tangka-- kamukha niya! Ang pinag kaiba lang ay ang kulay ng kutis nila, mas maputi itong isa.
Nang lumingon ako sa isa pang lalaki, ngumiwi ako. Paano'y patirik kasi 'yung buhok niya. 'Yung buhok na parang nauuso sa mga elementary students, maliit siya kumpara sa dalawa at halos kasing tangkad ko lang siya.
"Yuri! Pinapatawag ka ni Ma'am sa may faculty room!"
Isang sigaw ng hindi kilalang estudyante ang naka pag patigil sa akin mula sa pag mamasid sa kanilang lima.
"Teka lang," sumagot ang babae na mas maliit sa akin. "Mag sorry kayo sa kaniya. Mauuna na muna ako."
"Sama ako!" Sambit ng isa pang babae.
"Huwag na, ayusin niyo na lang 'yung mga upuan. Dadating na rin si p-professor."
"I'm sorry about that earlier. My twin pushed me," pag hingi ng tawad nitong maputi.
"Sinisi mo pa ako, tangina ka."
Grabe.
Biglang nag walk out 'yung kayumanggi na para bang nabwisit sa kakambal niya.
"P-pasensya ka na sa kaniya, miss. Mainitin ang ulo niya. Anyway, bago ka ba rito? Ngayon ka lang kasi namin nakita."
Nilingon ko ang babae na mas matangkad sa akin. Tuwid at itim ang buhok niya, matangos ang ilong at katamtaman lang ang laki ng mga mata. Manipis lang ang labi niya at may isa siyang pimple sa may noo.
Puyat siguro 'to.
"O-oo, bago lang ako."
"Ah! Ikaw pala 'yung sinasabi ng professor noong nakaraang linggo."
"Upo ka na roon, may bakante pang upuan sa likod."
"Sa katabi ni Matthew?" Saad nitong patirik ang buhok.
Tiningnan ko ang tinitingnan nila. Merong dalawang upuan doon sa dulo, 'yung isang upuan ay may naka lagay na itim na bag. Ang isang upuan naman ay blanko pa.
"D-doon ba? Sige, upo na ako."
"Teka lang."
"Bakit? Taga probinsya ka ba? Galing daw kasing Bicol ang bagong lipat."
"Taga Bicol ako, galing probinsya. Sige, upo na ako."
Ngumiti muna sa akin ang babae at lumabas silang tatlo. Naiwan naman ako dito kasama ang lima pang estudyante na tumitingin sa akin.
Bakit parang ang tagal pa mag sisimula ng klase?
Ipinatong ko ang hoodie sa aking hita. Nag labas ako ng isang notebook at isang pen. At dahil wala pa namang klase ay kinuha ko ang aking cellphone. May isang text galing kay Cardan, isang message naman galing kay kuya.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
