Chapter 16

25.2K 766 245
                                        

Happy 800 followers and 19k reads for Cardan and Rian. Omg kayo ha, pinapasabog niyo notifications ko. Chocolates for you all! 🍫🍫🍫

***

"Rian," boses ni singkit ang narinig ko mula sa unahan.

"Bakit," walang buhay ang aking boses. Naka upo siya sa tabi ko, habang ang nag d-drive ay ang kalbo, katabi rin nito ay 'yung sumama sa amin sa mall.

"Bakit namamaga 'yang mata mo?"

Umiling ako at umiwas ng tingin.

"Wala lang, kinagat ng ipis."

Nararamdaman ko nga ang pamamaga ng mga mata ko kaya hindi ako maka harap sa kaniya.

Nakaka hiya, ang gwapo-gwapo niya ngayong araw samantalang ako mukhang ewan.

"Pasensya na tungkol doon sa kahapon, anong oras na kitang na sundo."

Si singkit ang nag sundo sa akin kahapon at masama ang loob ko kay Cardan. Nagagalit ako sa kaniya. Nangigigil ako sa lalaking 'yun. Dalawang oras akong nag hintay pero hindi siya dumating.

Halos nine na ako ng gabi naka uwi, hindi na rin ako kumain ng hapunan dahil sa sobrang galit ko.

Nalaman kong hindi rin siya umuwi kagabi at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya umuuwi.

Naiintindihan ko naman na busy siya pero...

P-pero nangako siya. Ang sabi niya s-siya ang susundo sa akin at umasa ako. Pinag hintay niya kang ako sa wala.

"Ayos lang," matipid kong saad.

"Sigurado ka? Namumula 'yang mata mo, umiyak ka ba kagabi?"

"Kinagat nga lang ng ipis," sinadya kong haluan ng inis sa aking tono para tumigil siya sa pag tatanong.

Wala ako sa mood ngayon para kausapin sila. Tahimik lang ako buong byahe, hindi ako umiimik. Naka tikom lang ang bibig ko at hindi ko sinusubukan mag salita.

Nang makarating kami sa school ay binuksan ko kaagad ang pinto. Lumabas ako at hinarap si singkit.

"Salamat," ang salitang 'yan lamang ang binanggit ko bago tumalikod sa kaniya at mag lakad paalis.

Naka sara ang mga kamao ko habang nag lalakad sa campus. Diretso lang ang tingin ko at umiiwas sa ibang mga estudyante na nakaka salubong ko.

Tiningnan ko ang aking phone. Ilang beses ko itong chi-neck kagabi kung may message ba siya. Pero wala.

Lintik siya, nangako siya at hindi naman niya kayang tuparin. Edi sana nag text na lang ako kay Azrel-- slash singkit.

"Good morning, Rian!" Hindi ko pinansin si Nathaniel.

"Bad mood? Namamaga mata mo," sabi naman nitong patirik ang buhok. Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang pangalan niya at wala na akong balak alamin.

Umupo kaagad ako sa aking upuan, nandoon ni si Matthew pinag lalaruan ang pen. Nakita ko pang tumingin siya sa akin pero hindi ko siya pinansin.

Tumitig ako sa kawalan hanggang sa tumayo si Yuri at ang matangkad na babae sa harapan ko.

"Naka uwi ka ba ng safe kagabi, Rian? Tinanong namin kanina ang guard, halos gabi ka na raw sinundo," ang mahinhin niya boses ay nag papagaan sa loob ko.

"N-naka uwi ako ng safe, salamat sa pag aalala."

"Dalawang oras ka raw nag hintay? Sana ay sinamahan ka na muna namin," ngayon ay si Nathaniel ang nag salita.

Lumapit naman 'yung patirik ang buhok, kumuha siya ng upuan at umupo sa aking tapat. Pinagmamasdan ko siya, mukha siyang bata. Alam kong mas matanda ako sa kanila pero, ang mukha nitong isa ay hindi halatang college na.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon