Book 1 is coming to end. ~
***
December 24, birthday at pasko.
"Hindi ka ba lalabas, Rian?"
Inayos ni singkit ang kwarto ko, hinila ko palapit sa akin ang hotdog na unan at niyakap ng mahigpit. Pumikit ako at umiling.
"Nandiyan sa baba ang mga kaibigan mo, hinihintay nila ang pag baba mo."
Umungol ako mula sa unan.
"Mamaya na, inaantok ako."
Tumawa siya. Mula rito sa kwarto ay naririnig ko ang kanta ng Christmas song. Ilang oras na kang kasi ay mag papasko na, nandiyan ang lahat ng kaibigan ko maliban kay Yuri.
Nasaan kaya siya?
Itinaas ko ang aking kumot hanggang sa aking balikat. Nakakaramdam ako ng lamig pero komportable naman sa katawan, hindi ako pinag papawisan kaya parang masarap magulo ngayon.
Twenty four na ako maya-maya lang, medyo matanda na at pwede na talagang magkaroon ng anak. Kinagat ko ang aking ibabang labi, binuksan ko ang mga mata ng makita si singkit na nag lagay ng dalawang regalo sa may table.
"Sa akin 'yan?"
Ngumiti siya, lumabas ang dimples at naningkit ang mga mata.
"Oo, baka hindi ka na kasi lumabas mamaya. Merry Christmas and happy birthday, Rian."
Lumapit siya sa akin, pumikit ako ng halikan niya ang aking ulo at bahagya pang ginulo ang aking buhok.
"Salamat, singkit." Saad ko sa mahinang tono.
Hindi na siya nag salita pa. Nginitian niya akong muli bago lumabas ng kwarto, naiwan akong mag isa rito. Naririnig ko ang tawanan sa ibaba. Bukas na lang ako lalabas, dito naman sila matutulog. Ayaw ko talagang bumaba ngayon, inaantok ako.
Habang namamahinga ay naka rinig ako ng yabag ng paa, binuksan ko ang mga mata ko. Nakita kong pumasok si Eros.
Ang sabi niya kasi ay huwag ng kuya ang itawag ko sa kaniya kundi Eros na lang.
"Eros..."
"Rian, baby." Lumapit siya sa akin ng nay matipid na ngiti sa labi. Mayroon din siyang dala na dalawang regalo, ang isa ay medyo malaki at ang isa naman ay maliit lang.
Ipinatong niya 'yun sa table kung saan nilagay din ni singkit ang kaniya. Nang matapos siya sa ginagawa ay humakbang siya palapit sa akin, nanuot ang kaniyang pabango at napapikit ako.
Lumubog ang kama, umupo siya sa tabi ko.
"Hindi ka ba-baba?" Umiling ako.
"Inaantok ako."
"But you love celebrating your birthday with Christmas, right?"
"Iba na ngayon, Eros." Nanghihina kong saad.
Sa totoo kang ay nahihirapan ako sa pag bubuntis ko. Mas lalong lumalaki ang tiyan ko at mas lalo akong nahihirapan, sumasakit ang balakang at ang likod ko kaya naman palagi na lang akong naka higa. Bumabangon ako kapag kailangan ko mag linis o kumain.
"Right, you are not my baby Rian anymore."
Bumaba siya para abutin ang mukha ko. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi, kahit naka pikit ang mata ko ay ramdam na ramdam ko ang pag titig niya sa akin. Bahagyang gumalaw ang aking bibig.
"Matanda na ako, twenty four na ako mamaya." Pabulong kong sabi.
Hindi ko alam kung bakit nanghihina ako. Siguro dahil sa pag bubuntis ko, pasimple kong hinawakan ang aking tiyan na ngayon ay medyo mas malaki na.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
