Nagising ako na para bang may humahalik sa likuran ng aking palad. Gumalaw ang aking ulo at binuksan ko ang mga mata ko.
Nasa langit na ba ako?
Puti kasi ang nakikita ko, puting kisame at puting paligid. Maging ang kurtina ay kulay puti rin.
"Rian..." May nag salita sa gilid ko kaya naman napalingon ako roon.
Uy! May anghel!
"Rian, you're awake."
Kumunot ang noo ko, sino siya?
Tinitigan ko na muna siyang mabuti hanggang sa mapag tanto kung sino ang lalaki. Nanlaki ang aking mata mata, bigla akong napa upo.
"Kuya!"
Gumalaw ako ng mabilis at hinila ang necktie niya para maka lapit siya sa akin. Niyakap ko siya ng sobrang higpit, as in mahigpit na para bang halos hindi na siya maka hinga.
"Rian, calm dow--"
"Hindi ako makakalma! Nandito ka na, kuya!"
Maligayang saad ko.
Wala siyang nagawa kundi ang yakapin ako pabalik. Ang malaki niyang kamay ay humawak sa aking likuran, inaamoy ko siya. Sobrang tagal na rin pala noong last na naamoy ko ang pabango at ang natural niyang amoy.
"Yes, yes. I'm here, baby."
Kinagat ko ang aking labi, napa pikit ako ng mariin hanggang sa tumulo ang aking luha sa kanang mata. Grabe! Hindi ko inaakala na nandito na siya mismo sa harapan ko, nayayakap ko na ulit ang malaki niyang katawan.
Hinawakan niya ang baywang ko at inilayo sa kaniya. Pakiramdam ko ay nag niningning ang mga mata ko habang tinititigan siya.
Makapal ang kilay, itim at malambot na buhok. Matangos ang ilong at may nunal sa ilalim ng kanang mata niya. Mapula ang kaniyang labi at maganda ang hugis ng kaniyang panga, natural na mahaba ang pilik mata niya. Bumagay din sa itsura niya ang kaniyang salamin.
"Kuya Eros ko," bumulong ako at niyakap siyang muli.
Naka suot siya ng suit at mahigpit na naka hawak ang aking kamay sa kaniyang necktie. Grabe! Parang mas lalo yatang lumaki ang katawan niya kumpara noon. May muscles at mukhang may abs na rin siya!
"Stop hugging me, meron pang mamaya at bukas."
Tumigil ako sa pag yakap sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na naka suot pala ako ng hospital gown, naka hospital din ako. Isang private room, may band aid ang braso at ang tuhod ko.
"Ilang oras akong tulog, kuya?"
"Not just an hour, Rian. A day."
"Huh?"
"One day," gumalaw siya sa pwesto niya. "You've been sleeping for one freaking day. Nag alala ako sa iyo, lalong lalo na ang mga kaibigan mo."
Lumunok ako at tinitigan siya. Napa tingin ako sa kamay niya. Maugat at mahaba rin ang mga daliri. Mayroon siyang suot na kulay itim na relo sa kaniyang kanang pulsuhan.
Ang pogi-pogi ng kuya ko!
"Pwede na ba akong umalis? Uwi na tayo sa probinsya!"
Hindi siya nag salita. Ang mga misteryoso niyang mga mata ay tumitig lang sa akin kaya kinabahan ako.
Naaalala ko na kung bakit gusto ko na siyang maka uwi rito. Kailangan ko ng mga kasagutan. Napa yuko ako at pinag laruan ang mga daliri sa kamay.
Nakaramdam ako ng lungkot. Kanina ang saya-saya ko dahil dumating na siya. Pero bigla akong nalungkot ng maalala na mayroon pa palang problema.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
