Chapter 18

25.2K 662 254
                                        

My age? Should I reveal my age?🤔

***

Akala ko tabi kaming matutulog.

Akala ko lang pala 'yun.

Kanina pa ako hindi mapakali sa kama na ito, parang ngangati ang katawan ko na bumangon. Haharap sa gilid, haharap ulit sa kabilang gilid, dadapa ako minsan diretso naman ang katawan sa pag higa. Tinitigan ko ang itaas habang pinag lalaruan ang sariling mga daliri.

Wala na akong naririnig na ingay.

Baka tulog na talaga siya.

"Patulugin mo na ako, peste."

Iritado kong bulong at sinabunutan ang aking sarili. Kinagat ko ang ibabang labi at itinaas ang kumot hanggang sa aking ulo. Mahaba naman ang suot kong damit kaya hindi ako nilalamig, at hindi rin naman ako maiinitan dahil malakas ang aircon.

Ang tagal naman mag umaga, naiinip na ako.

At dahil wala akong nagawa, kinuha ko ang aking phone. Mayroong mga notifications ako Facebook. Nag friend request si Yuri at Marissa, samantalang may message request naman si Daniel at 'yung maputi.

Hayaan na, bukas na lang.

Nang makaramdam ako ng uhaw ay wala akong nagawa kundi ang tumayo. Maingat lang ang bawat pag hakbang ko, hindi pa man ako tuluyang nakaka baba ng hagdan ay napatigil ako sa narinig.

Parang may tunog ng tubig-- hindi siya literal na tubig pero parang ganoon 'yung sound. Nangunot ang noo ko, may naririnig din kasi akong mahinang pag ungol.

Mahabaging langit!

Anong ginagawa niya?!

Humakbang ako ng isa para marinig siya, hindi ko masyadong nakikita ang lalaki pero sapat na ang naririnig ko para malaman ang ginagawa niya.

Napatakip ako sa aking bibig, umupo at yumuko ako para hindi niya makita. Kahit madilim ang paligid ay naaaninag ko siyang naka upo sa sofa.

N-naka baba 'yung shorts niya, naka tingala si Cardan kaya kitang kita ang adams apple habang naka tagilid siya.

Naka tingala ang lalaki habang malalim ang pag hinga, hinihingal din siya at mabilis ang pag galaw ng kaniyang kamay doon sa may bandang ibaba.

Kinagat ko ang ibabang labi, i-ito ang unang beses kong makakita ng ganiyan. At hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ang ginagawa niya.

Lumunok ako, namawis bigla ang aking noo. Aalis na sana ako pero muling natigilan ng marinig ang pag mumura niya, at ang pag banggit ng isang pangalan dahilan para tuluyan akong mapatakbo sa kwarto.

"Fuck, Rian..."

Inungol niya ang pangalan ko!

Buong magdamag akong tulala, hindi ako naka tulog kaya naman sabog ang itsura ko ngayon. Malumbay ang mga mata ko at naka simangot.

Peste kasing lalaking 'yun.

Binabahiran ng kasamaan ang kainosentehan ko.

Durugin ko siya, eh.

"Oh? Ginapangan ka nanaman ng ipis?" Ani singkit habang inaayos muli ang aking bag.

"H-hindi, pero nakakita ako ng ipis kagabi."

"Anong ginagawa? Buti hindi gumapang sa iyo."

Umiling ako at umirap.

"Mabuti na nga lang at hindi," kinamot ko ang aking ulo at inayos ang aking sapatos.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon