Chapter 36

24K 627 212
                                        

Kaya pa ba? Bigay ba ako ng clue tungkol sa kanila? 😚

***

Anong pangako?

Bakit hindi pwede?

Hindi ako maka tulog kaka isip ng mga sinabi niya kanina, kanina pa ako paikot-ikot dito sa kama pero hindi ako dinadalaw ng antok. Kinakabahan ako, kanina siya nangako? Sino 'yun? Bakit naman siya nangako?

Inutusan lang ba siyang gawin ito?

Kinamot ko ang aking ulo. Wala na akong naririnig na ingay kaya tumayo ako at lumabas ng aking kwarto. Sarado na rin ang pinto nung kay Cardan kaya malaya akong makaka labas.

Mag papahangin lang.

Dumaan ako sa may kusina dahil may pinto rito papunta sa garden. Hindi nila ito ni-lolock, hindi ko alam kung bakit. Inikot ko sa aking katawan ang cardigan na suot at umupo sa isang bato. Tiningala ko ang langit at tinitigan ang mga bituin, ang dami.

Parang mas maayos na matulog dito kaysa sa labas.

"Gising ka pa pala?"

Nagulat ako ng mag salita ang isang lalaki sa gilid ko. Naka upo rin siya sa isang bato-- naninigarilyo pala siya? Tumigil naman siya at itinapon ito sa baba bago tinapakan.

"Hindi, tulog na tulog nga ako." Umirap ako sa kaniya at napa tawa naman ang gago.

"Bakit nandito ka?"

"Hindi kasi ako maka tulog, feeling ko may secret sa akin si Cardan." Hindi nag salita si singkit kaya nanahimik na rin ako.

"Paano mo naman nasabi na may secret siya sa iyo?"

Hindi kaagad ako sumagot. Hindi ko rin malaman kung bakit, pero malakas ang kutob ko na may itinatago siya sa akin. 

'Yung tungkol sa rule, 'yung sabi niyang hindi bawal, at ang sinasabi niyang pangako. Hinawakan ko ang aking noo. Sumasakit ang ulo ko kakaisip, pakiramdam ko ay mag kaka sakit ako. Huminga ako ng malalim at tinitigan ang damo.

"'Yung tungkol ba sa mga magulang niya?"

Kumurap ako at nilingon si singkit.

"May alam ka pang iba?"

"Oo, gusto mong marinig?"

"Oo sana."

Tumayo siya at lumapit sa akin ng kaunti, umupo rin siya sa may bato at inilagay ang kaniyang mga kamay sa tuhod.

"Lumaki kasi 'yan si Cardan na mama's boy."

Huh? Mama's boy siya? Hind halata, ah.

"Tapos?"

"Palaging naka sunod kay mama niya, umiiyak kapag hindi nakaka sama ang mama niya sa isang araw."

"Eh, 'yung papa niya?"

Kinuha siya ng isang bulaklak at pinag laruan ito.

"His father was abusive. Sinasaktan silang dalawa lalo na si Madam Clarita, mabuti nga at namatay ng maaga 'yung si Emilo, kung hindi ay baka hanggang ngayon nag hihirap si Cardan."

Sinasaktan sila, naaawa ako sa kanilang dalawa ng mama niya.

"Tapos? Anong nangyari?"

"Namatay ng maaga si Emilo. Naiwan naman si Madam Clarita at si Cardan."

Yumuko ako at binasa ang aking labi.

"'Y-yung tungkol doon sa lalaki ni Madam Clarita, kilala mo ba siya? Ano, uhm. May natatandaan ka ba kung ano ang pangalan niya?"

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon