I can see a mansion, but not a home.
Napakalaki ng bahay! Pag dating pa lang sa gate ay sobrang laki na, napaka taas, parang kahit sinong mag nanakaw ay hindi na tatangkain pang pasukin sila. Dalawang bodyguards ang naka bantay sa gate.
Mayroon namang fountain bago makarating sa pinto, sa bawat gilid ay mayroong mga damo. Kulay brown ang malaki at mataas nilang pinto, may limang hakbang pa bago ito marating. Halos sampung maids ang sumalubong sa amin kanina, bumati sa muling pag babalik nitong si Cardan.
"Nasaan mga magulang mo?" Tanong ko ng makapasok kami sa loob.
Hayop, merong chandelier.
Bale apat na chandelier ang nandito. Isa sa kusina, isa sa hapag kainan, isa sa sala at isa rin sa isa pang sala-- oo, dalawa ang sala nila. Itong pang bungad na sala ay mayroong kulay gintong sofa. Doon naman sa kabilang sala ay kulay itim, merong dalawang piano at may collections ng mga lumang libro.
Hindi sumasagot si Cardan. Nakita kong umakyat sa itaas ang mga bodyguard, siguro ay inilalagay na nila ang mga gamit ko roon sa magiging kwarto ko.
May sarili raw akong kwarto, eh. Katapat ng kwarto ni Cardan.
"Gusto mo ba, Rian?" Lumabas si singkit mula roon sa kabilang sala.
"Oo, pero bakit parang ang lungkot dito?" Pabulong ko.
Unang pag pasok ko rito ay para bang ang bigat sa pakiramdam. Hindi ko maintindihan kung bakit bigla akong nakaramdam ng lungkot.
Kahit na napakalaki ng mansion na ito, kung hindi naman masaya ay parang wala ring silbi.
"Hindi ako ang dapat mag sabi, kay Cardan mo itanong."
"M-may nangyari ba rito?"
His lips formed in a thin hard line before nodding. Lumunok ako at tiningnan ko ulit ang paligid. Wala na 'yung mga maids kanina, siguro ay natutulog na sila.
Pero isang babae ang lumabas mula sa kusina. Kasing tangkad ko lang, maliit din ang pangangatawan-- bakit parang may kamukha siya?
"Miss Rian Stewart?" Ang sweet din ng boses.
"Ako 'yun, bakit?"
"Magandang gabi po, inuutos po ni Sir Grimaldi na kailangan no ng kumain."
Tiningnan ko si singkit.
"Nasaan si Cardan?"
"Nasa itaas, ba-baba rin siya mamaya. Kumain ka na."
Tumango ako, ngumiti sa akin itong maid at sinamahan ako sa kusina.
Grabe, pati ba naman dito ay may aircon pa rin? Nilingon ko ang napaka habang mesa, kulay ginto! Marami ring mga upuan pero mas pinili kong umupo roon sa gilid.
Pakiramdam ko ay maling umupo roon sa dalawang gitna.
"K-kumain ka na?" Tanong ko sa maid.
Hindi ako pa-fall.
"Naka-kain na po ako, kain ka na."
"Salamat."
Pitong plato ang nasa harapan ko at iba't iba ang ulam. Dahil nagutom ako ay mabilis akong kumain, tatlong ulam lang 'yung nabawasan ko. 'Yung iba hindi ko bet ang lasa, 'yung isa naman ay mga gulay. Ang inubos ko rito ay ang karne.
Tsalap.
"Anong pangalan mo?"
"Ako po si Yolly, Yolly Corpuz."
Yolly Corpuz?
Bakit kaparehas niya ng apelyido si Yuri--
"Kapatid mo si Yuri?"
![](https://img.wattpad.com/cover/293600624-288-k85169.jpg)
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
عاطفية"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.