Chapter 9

29.8K 849 426
                                        

"Napakatigas ng ulo mo."

Hindi man siya sumisigaw, bakas sa kaniyang tono ang inis at pang gigigil. Kaagad niya akong hinila pauwi rito sa kaniyang hotel, kasama naming umuwi si Azrel pero kaagad naman niyang pina alis ang singkit.

Wala tuloy akong kakampi.

Naka upo ako sa sofa habang naka yuko, kinukurot ko ang aking mga daliri habang siya naman at patuloy sa panenermon.

He is preaching me like a father, preaching like a father to his daughter. Galit na galit siya sa ginawa ko.

"Akala mo ba hindi ko malalaman na ginamit mo ang card na ibinigay ko sa iyo?"

Pasikretong nanlaki ang mga mata ko ay suminghap. Sabi na, eh! Kaya pala kakaiba ang tingin sa akin ng waitress kanina. Ibigsabihin ay na notify siya sa pag gamit ko ng black card niya?

Hindi naman kasi ako marunong gumamit ng bagay na 'yun, kung alam ko lang ay sana hindi ko nagawa ang pag bayad sa restaurant gamit ang card niya.

"Tinakasan mo ako kagabi, sinamantala mo ang kalasingan ko. You are pissing me off, Rian. You are pissing the damn out of me."

Hindi pa rin ako nag sasalita.

Sa totoo lang, pinipigilan ko lang ang sarili ko sa pag dighay. Nakaka hiya kasi sa kaniya, ang pera na ginamit kong pambayad sa mga pagkain ay sa kaniya. Kinagat ko na lang ang ibaba kong labi, nakaka ilang kagat na ba ako rito? Parang kahit anong oras ay dudugo at mag susugat ang labi ko.

"Dahil sa ginagawa mo ay mas binibigyan mo ako ng dahilan para huwag kang palaba--"

"Sorry na, g-gusto ko lang naman kasi maka alis. Ayaw ko nga rito, gusto ko ng umuwi sa probinsya namin.

"Wala kang kasama roon."

Tumingala ako at tiningnan siya ng may pag tatanong sa mga mata ko.

"Paano mo nalaman?"

Bumuntong hininga ang lalaki. Naka suot siya ng puting damit, naka tupi ang sleeves nito hanggang sa kaniyang siko.

Hinilot niya ang kaniyang sentido, at aaminin ko, he looks good doing that motion. Nadedepina ang mga ugat niya sa kamay, gumagalaw din ang adams apple niya.

Kahit sinong babae ay mababaliw sa kaniya, pero hindi ako.

Aaminin ko ng g-gwapo at hot nga siya para kaniyang edad, pero hindi pa rin mababago ang pag tingin ko sa kaniya. Binili niya ako mula sa Casa, siguradong bumili na rin siya ng iba pang mga babae roon. Customer siya ng mga bahay aliwan.

"Sa sunod na gawin mo ulit 'yan, hindi lang kita ipoposas sa kama. Inuubos mo ang pasensya ko."

Lumunok ako.

"B-baka ma high blood ka," tugon ko dahilan para mapalingon siya sa akin.

Kumunot ang makinis niyang noo.

"What did you say?"

"Wala, naniniguro lang."

Sunod-sunod niyang iniling ang kaniyang ulo ay nag lakad papunta sa itaas. Nakita kong kinuha niya roon ang shirt at pantalon na binili ko noong nakaraang araw.

Ibinato niya sa akin ang damit pero hindi tumama sa mukha ko.

"Take a bath, hindi pa tayo tapos."

Napakamot ako sa likod ng aking ulo.

It feels like... whatever I do, he can always find me. It's as if he is the owner of the world, lahat ng mawawala sa kaniya ay nahahanap niya kaagad ng walang kahirap-hirap.

His Ruthless ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon