"Nasaan si kuya-- si E-Eros?"
"Umalis kanina si Eros, hindi namin alam kung saan pumunta, pero may kakausapin daw na business partner."
Lintik na lalaking 'yun.
Hindi man lang nag sasabi na may sarili na siyang kompanya. Ang sabi niya sa akin ay nabuo raw 'yun doon sa bansa na pinag trabahuhan niya at nag babalak siyang ilipat dito sa Pilipinas. Mukhang may kalaban na ang kompanya ni--
"Si Cardan? Nasaan?"
"Nasa company niya rin, gusto mo ihatid kita?"
Tumayo si singkit ay dinilat pa ang kaniyang daliri, kakatapos niya lang kumain ng lumpia at mukhang busog na busog na rin naman siya. Tibay, naka ilang kain kaya ang singkit na ito?
"Huwag na, baka maka abala pa ako."
Pumunta ako sa sala at marahan na umupo, nananakit ang tiyan ko. Sobrang bilis ng pangyayari, pag katapos mag away ni kuya-- ni Eros at ni Cardan ay nag kakasundo naman sila. Pero may nga araw talaga na hindi nila naiiwasang hindi mag sagutan.
Mag dadalawang buwan na rin akong buntis at hindi ako napapakali kapag walang nakakain bago matulog. Hindi na rin ako pumapasok sa school, hindi ko rin naman kakayanin kaya pinayagan ako ng dalawang hotdog na 'yun.
Minsan ay nakikipag kita ako sa mga kaibigan ko kaya lang wala si Yuri. Umalis na rin sa pagiging maid si Yolly. Gusto ko sanang itanong kung nasaan ang kapatid niya pero para bang ayaw niya rin naman sabihin.
Kahit hindi umamin ang babaitang 'yun ay alam kong mag tatatlong buwan na siyang buntis. At ang tatay ng dinadala niyang anak ay ang professor namin na umalis na rin-- hindi kaya ay tumakas si Yuri kay sir?
"Halika, ihahatid kita kay Cardan."
Kumuha ako ng hiwa ng manggang hilaw na nasa plato at isinawsaw sa asin. Kaagad ko itong kinagatan at nakita kong naka tingin si singkit na para bang natatakam.
"Gusto mo?"
Lumunok siya at tumango.
"Mag pabili ka rin kay Cardan," sumimangot ang lalaki.
Inutusan ko lang naman talagang bumili nito si Cardan dahil hindi naman ngayong buwan ang bunga nito. Kung saan-saan pa raw siya pumunta para lang doon.
Hinawakan ko ang aking tiyan at isinandal ang likod sa malambot na sofa. Kinuha ko ang malaking unan na hugis hotdog at niyakap mula sa aking tabi.
Isinampa ko rin ang aking paa sa kabilang mesa at inilagay ang kulay itim na salamin, binili rin ito para sa akin ni Cardan. Nag balak kasi kaming mag beach kaya lang hindi matutuloy. Kaya ang ginawa niya ay binili na lang niya ito sa akin.
"Ano? Gusto mong sumama?"
"Mabigat sa tiyan," bulong ko at ipinikit ang mga mata.
Naka suot lang ako ng maluwag na bestida, mahaba ito hanggang sa aking binti para mabilis akong maka galaw. Isang buwan pa kang itong dinadala ko ay nahihirapan na ako, paano pa kaya kung lumaki na ito ng sobra.
"Halika, aalalayan kita. Aalis din kasi ako mamaya, walang mag babantay sa iyo."
At dahil wala akong nagawa ay pumayag din ako sa gusto niya. Tinulungan niya akong maka tayo at nag lakad kami paalis. Hindi na ako nag abala pang mag palit ng damit.
"Sumabay ka na lang ng uwi mamaya kay Cardan."
Pag sakay namin ng kotse ay dala ko pa rin ang malaking hotdog na unan, binili nila ito para sa akin ng may kasamang amoy ni Cardan. Para raw kapag hindi siya nakaka uwi sa gabi ay may nayayakap ako.
BINABASA MO ANG
His Ruthless Obsession
Romance"I will always treat you like my queen, but remember that I am always ready to fuck you like my slut." Cold and self proclaimed CEO. God of wealth and god of bed. Rian Stewart just entered the first and last punk of taintless Cardan Grimaldi.
