03

785 42 39
                                    

URSULA

Naabutan kong nag-aalmusal ang pamilya ni papa nang makauwi ako sa bahay. "Oh, Sula, kain," pagyayaya sa akin ni tita.

"Hindi na po, may pupuntahan pa ako," I forced a smile before walking upstairs.

Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit pa ako umuwi. Kakatapos ko lang ng shift ko at sinabihan ako ni Mr. Bermuda na um-attend sa isang seminar patungkol sa gaganaping kasal.

Naguguluhan ako sa sarili ko, wala akong maayos na tugon tungkol dito. Hindi ko alam, bahala na.

Umakyat lang ako para magretouch, ni hindi ako nagpalit ng damit dahil tinatamad na ako. Bumaba ako bitbit lang ang phone at wallet ko.

I wonder if aattend din ang anak niya, mukhang hindi maganda ang timpla niya noong araw na 'yon. At saka natatakot akong humarap ngayon, hindi pa ako ready, wala pa nga akong tulog!

Kumakain pa rin sila nang kumuha ako ng isang baso para uminom ng tubig. "Saan ka pupunta? Magpahinga ka kaya muna?" tanong ni tita.

"Aattend po ng seminar," I told her. Pansin ko ang biglaang pag-angat ng tingin sa akin ni papa. Alam niyang hindi ko naman trip ang mga seminar, basta may pag-aaral na mapupulot palagi akong pass.

"Oh? Para saan?" She asked.

"Sa kasal," I smiled at them.

"Talaga ate? Ikakasal ka na!?" halos mapatayo ang anak nila sa sobrang tuwa sa sinabi ko.

"Ikakasal na ako next month," tumango ako sa kaniya, napapalakpak naman siya.

Napatingin ako kay papa nang mabagsak niya ang hawak niyang kutsara sa plato niya. "Sinong papakasalan mo? Bakit biglaan?"

I chuckled, "Hindi naman po ito biglaan. Plano ko na po talagang magpakasal," pagsisinungaling ko.

"Bakit hindi mo pinakilala muna sa amin bago kayo magdesisyon? Paano kung lokohin ka niyan at iwan ka?" bahagya akong napatawa nang makita ko ang pag-aalala ni papa.

Totoo ba 'to? Naririnig ko 'to sa mismong bibig ng manloloko't mang-iiwan?

"'Wag kayong mag-alala, invited naman kayo. Kung sakaling lokohin ako no'n, Pa, sa akin nalang 'yon," mahinahon kong sambit bago tumango at umalis ng bahay.

As I went out the house, I heaved a deep sigh. Wooh, ang bigat ng puso ko.

Hindi ko kailanman kinompronta si papa tungkol sa pagpilit niya sa aking tumira sa bahay ng bago niyang pamilya. Wala naman din akong choice kung hindi sumama. Wala na si mama, siya lang ang pamilya ko.

Pero kahit ganoon, masama pa rin ang loob ko. Parang ako ang lumalabas na anak sa labas dahil sa set up namin.

His new family is good, mabait naman sila sa akin. But still, I don't feel at home.

Tinitiis ko lang ito, kung may pagkakataon ay aalis na rin ako sa bahay nila.

Bago ako dumiretso sa venue ng seminar ay pumunta muna ako sa pinakamalapit na convenience store para bumili ng energy drink at chocolate.

Lumabas ako kaagad matapos magbayad, bubuksan ko na sana ang binili kong energy drink nang may humintong sasakyan sa tapat ko.

Mukhang mamahalin! I just shrugged and continued to open the bottle. Pero napakunot ang noo ko nang may umagaw nito sa kamay ko. "Who the heck drinks this, early in the morning?"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko kung sino ito. 'Yong anak ni Mr. Bermuda!

"Here," nag-aalangan akong kunin ang inaabot niyang kape. Siguro ay galing siya sa coffee shop katabi ng store na 'to.

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon