URSULA
"Sula!" Masiglang bati sa akin ng bagong asawa ni papa. Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap, tanaw ko naman si papa mula sa sala na nanunuod ng paborito niyang palabas.
"Kumusta ka? Mabuti at napabisita kayo," masaya nitong sambit habang papalapit kami sa kung nasaan si papa ngayon.
"Hon, sa wakas nandito na ulit ang panganay mo," sambit nito, my father just stayed focus on the TV.
I sighed as silence kills the mood. "Ito nga po pala si Jaxon, kapatid ni Joaquin. At ito naman po si Darlene, anak namin,"
Napaiwas ako ng tingin nang biglang lumingon sa amin si papa. "Darlene, ang gandang pangalan, anak," she complimented.
"Hello po!" She exclaimed.
Tanggap at walang malisya sa kaniya kung sakali ngang may anak na kami ni Joaquin. Mag-asawa naman na kami at nasa tamang edad na rin. Pero bakit ganoon naman makatingin sa amin ang papa ko.
Nakita ko nalang na hinila na ni Calli pa-kusina si Jaxon. Mukhang maghahanda sila ng makakain, kaya rin siguro tinatanong ni Calli kung magtatagal ba kami rito.
"Puwede ko ba siyang kargahin?" Tumango ako at ipinasa sa kaniya ang bata.
"Wala kaming balita sa inyo, kahit sa internet. Mabuti talaga at naisipan niyong bumisita sa amin," she told me.
Hindi talaga, walang nakakaalam na maghihiwalay na kami ni Joaquin dahil mas nagfocus siya sa trabaho, at ako naman, tulog. Siguro isa na rin sa dahilan ang pagtago ni Joaquin sa totoong nangyayari dahil ayaw niyang makigulo pa ang press pati na rin ang papa niya once na malaman nilang umalis ako sa bahay. Napakakomplikado nga naman ng relasyon namin.
"Pasensya na po," I apologized.
"Ayos lang 'yon," she patted my shoulder.
Tinapik niya rin ang balikat ni papa. "Kausapin mo na ang anak mo. Akala ko ba ay hinihintay mo siya?" She asked.
"Ah, Joaquin, ijo, halika. Tayo muna ang mag-usap doon, kumusta?" She dragged Joaquin out the living room. Ayaw ko pa ngang bumitaw sa damit niya dahil kinakabahan ako sa papa ko!
Naiwan akong nakatayo sa gilid ng paboritong pwesto ng papa ko sa sala. Hindi ako makabitaw ng salita, parang naiipit na naman ang dila ko.
"Bibisita ka lang kung kailan malaki na 'yang anak mo?" He finally talked.
I gulped, agad na kumabog ang puso ko. Ilang taon kong namiss ang boses niya, pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako ngayong naririnig ko na naman siyang madisappoint dahil sa mga ginagawa ko sa buhay.
"Bakit hindi ka pumunta noong birthday ni Calli? Pinaghandaan niya 'yon kasi alam niyang pupunta ka, um-oo ka sa kaniya," I scoffed.
Nagsisimula na naman siyang iparamdam sa akin na favorite niyang anak si Calliope. Oo na, alam ko naman 'yon.
"Ang nakita lang namin ay 'yang asawa mo," he grunted.
Kung pumunta pala ako bago ako umalis sa lugar na ito, makikita ko pa sana si Joaquin sa party? He probably went there kasi akala niya ay makakarating ako.
I should have convinced Wendell na kahit kaunting oras lang ay nagstay ako sa debut ni Calli. Kung alam ko lang.
"Importante pa ba 'tong pamilya mo sa'yo?" He asked.
"Bakit hindi ka pumunta noong kasal ko?" I asked him back.
I heaved a deep breath before continuing. "Inimbita kita, inimbita ko kayo. Kahit 'yong asawa ko, gusto rin niyang makita kayo roon. Pinaghintay mo ako sa labas ng Simbahan kasi alam kong darating ka at ie-escort mo ako sa loob. Nakatayo lang ako ro'n mag-isa, napapahiya na halos si Joaquin kasi ayaw kong pumasok nang hindi mo ako naihahatid sa loob. Kahit sa reception, hinintay kita," I told him while holding my tears.
BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romantizm"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...