URSULA
"That must be fine," he talked to himself.
He held my shoulder for me to look at him, "Wait for me, I'll buy mine too," nag-aalangan akong tumango.
Nang makaalis siya ay tumingin nalang ako sa labas. Agad kong napansin ang pet shop katapat ng botique na pinagbilihan namin ng damit ni Joaquin. I smiled after seeing the staff playing with puppies.
"Let's go," nalalundag ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko.
I looked back, just to see a fine man wearing black suit, pairing my black dress. Inaayos niya ang buhok niya nang makaharap ako. "Gwapo ba?" He suddenly asked.
Napatigil ako sa paghinga dahil sa tanong niya, "O-oo naman," I stuttered, he just chuckled and shook his head.
Nagsimula na siyang magkalakad palabas ng botique. "Wait lang, magbabayad ako--"
"Miss, you're going to marry a billionaire, you don't have to worry about the bills," he told me.
Napatingin ako sa nakalaylay na price tag ng suot kong dress. Napasinghap ako, gago! Kulang pa buwanang sahod ko rito!
Hindi ba siya aware sa tiangge? May buy one take one na dress doon! Wala rin bang budol finds sa newsfeed niya sa social media? Ang gastos maging mayaman!
"Ang mahal," I muttered.
He just sighed while removing his black blazer. He gave me a paper bag where our previous clothes were compiled. After that, he received a phone call. Habang sinasagot niya iyon ay nagpaalam akong titingin lang ako sa pet shop.
At dahil allergic ako sa aso, sa labas lang ako. The puppy had noticed me. I waved, how I wish I can cuddle him. The staff also saw me, he gestured me to come inside pero tumanggi ako. Baka mahirapan akong huminga bigla.
Kinagat ko ang labi ko sa gigil nang sumigla pa lalo ang tuta. He was wiggling his tail enthusiastically, as if he knows that I would come inside and pet him. Bakit naman kasi sa lahat ng puwedeng allergy, sa aso pa!?
Having a pet might have helped me with my struggles. Puwede sana akong makahanap ng emotional support sa mga hayop noong mawalan ako ng nanay. Hindi naman ako nacomfort ng tatay ko, kahit hayop pa siya.
"Still not used to live in luxury," natauhan ako nang marinig ko ang boses ni Joshua.
I almost forgot what I'm wearing! Kaya naman pala iba ang tingin ng staff sa'kin! Agad akong umayos ng tayo at nagpagpag ng sarili. Nakaramdam ako ng kilabot sa katawan. Exposed nga pala ang balat ko.
At saka malamang, hindi pa rin ako sanay sa lifestyle niya. Halos kakakilala ko palang sa kaniya kahapon. Hindi ko pa magagamay ang nakagisnan niyang yaman lalo na't hindi ako ganoon kabilis maka-adapt.
I subconsciously grabbed Joshua's arm and pointed to the puppy, "Ang cute 'di ba?" I looked up and smiled at him.
He just frowned and fixed my hair, "Let's go,"
Tumango nalang ako at naglakad. Nagulat din ako dahil bigla ko siyang hinatak! I removed my hands on his arm. "Sorry,"
"Do you want the puppy?" he asked.
I chuckled, "Kung hindi lang ako allergic, baka may pet shop na rin ako katabi nito," I told him. "Oo nga pala, magbabayad ako,"
"Don't be pathetic," he rolled his eyes.
"Nasaan na 'yong wallet ko?" Sinubukan kong kapain 'yong coat niyang nasa loob ng shopping bag.
"If you insist," Bahagya akong napatigil sa paglalakad nang ipatong ni Joshua ang coat niya sa balikat ko.

BINABASA MO ANG
The Fortunate
عاطفية"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...