32

483 41 89
                                    

URSULA

"Dadalhan ko ba siya ng lunch?" I asked myself as I walk inside our office.

Hindi ko naabutan si Joaquin na pumasok kaya ang driver niya lang ang nakasama ko. Hindi ko na siya halos nakikita palagi.

"Baka busy siya sa trabaho, manggugulo lang ako sa office niya kung sakali?" I thought.

"Dinner nalang kaya, uuwi ba siya?" I asked again.

I whined and scratched my hair, ano bang kailangan kong gawin para makita ko siya ulit?

This thought always come up in my mind these days. I want to see him, I want to watch him do work or even just space out. I want to hear his voice, the way he hums, when he sings, or just casually talks.

I want to be that close again, pero hindi ko alam kung paano ako makiki-reconnect.

Bumangon ako sa pagsandal sa table, "Pupunta ako mamayang uwian. Okay lang 'yan kahit magalit siya,"

Pero matagal pa ang uwian, kakapasok ko lang ay gusto ko nang umuwi.

Okay lang kayang tawagan siya?

Sula, ano bang nangyayari sa'yo?

I just shrugged and tried to focus on what I'm doing. Pero naiiyak ako, gusto ko siyang makita kaagad!

Pinilit kong matapos ang gawain ko nang mabilis para makapunta na ako sa kanila. I sighed in relief nang makalabas na ako ng opisina.

Bumili ako ng pagkain at kape para kay Joaquin. Hindi ko alam kung uuwi pa ba siya, pero gusto ko siyang makita.

Nang makarating ako sa building ay nakasalubong ko sa labas si Wendell. "Uuwi ka na?" I asked.

"Yup," I gasped when he grabbed the cup of coffee on my hand.

Napanganga ako nang higupin niya ito. "Para kay Joaquin 'yan,"

"Oh, so you're here for him," he muttered.

"Wendell! Mahal 'yong kapeng 'yon!" I whined and hit his arm.

"Sorry, akala ko sa'yo," he giggled.

"Kahit na, dapat hindi mo ininom!" Hinampas ko siya ulit. Nakakainis, wala manlang pasabi!

"I'll buy new one. As if naman iinumin 'yan ni Joaquin," he rolled his eyes.

"Iinumin niya 'yon," I told him.

He mimicked my words, pero napataas ang kilay niya nang tignan niya akong muli. "Bakit ka umiiyak? Kape lang eh,"

Napaatras ako sa sinabi niya. Umiiyak ako? I wiped my tears. "Eh kasi binili ko 'yon para sa kaniya," I muttered.

"Ibigay mo 'to, bawas nga lang," binigay niya sa'kin 'yong kapeng binawasan niya.

Hindi ko puwede ibigay 'yan, baka kapag nalaman ni Joaquin na nag-indirect kiss sila ni Wendell ay magalit pa siya sa akin.

Hindi nalang ako sumagot at patuloy na humikbi. Ang lakas naman kasi ng trip! He just chuckled and dragged me to the nearest coffee shop. Bumili siya ng kapeng binili ko, hinintay namin ito habang nag-uusap at pinapatahan niya ako.

"Napansin ko lang, Sula. Medyo sensitive ka nitong mga nakaraang araw," he told me.

Napansin niya pa 'yon? Sa bagay, mas madalas kaming magkita kaysa ni Joaquin.

"Talaga? Baka maarte lang ako," I said.

"Tinatakot ka ba ng husband mo?" He asked.

I laughed, "Hindi na nga kami nagkikita eh,"

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon