55

493 31 21
                                    

URSULA

"Mama, bakit po ang tagal niyong gumising?" biglang tanong ni Darlene sa akin habang nakatambay sa sala.

"Hindi ko alam, 'wag kang mag-alala anak ko, hindi na matutulog ulit si mama," I told her.

"Bad po 'yon, 'di ba?" Nag-aalala nitong tanong sa akin.

"Oo nga, bad 'yon. Ganito, maaga nalang akong gigising palagi. Magpapagising ako sa kaniya kasi palagi naman siyang maagang umaalis sa bahay," I pointed at the man who is just standing beside us.

Gusto niyang makisali sa usapan namin ng anak ko. I must include my husband in the narrative.

"Titira na po kayo dito? Kasama po sila tito Wendell?" Nae-excite na sambit ng anak namin.

I looked at him, I don't know how to explain, agad nalang ba namin siyang kukunin? Hindi ko pa nakakausap nang maayos sila Wendell dahil na-excite ako nang makita ko ang anak ko.

He gulped, "U-uh, Darlene, we're going to get you here na. Then we'll live together," he tried to explain as he kneeled down with me.

"Iiwanan ko po sila tito?" She asked curiously.

I felt my heart getting heavier. Wala kaming dalawa, halos lumaki siya kasama sila Wendell. Siguradong mabibigla siya kung kukunin namin siya kaagad.

"Oo Darlene! Syempre kailangan mong sumama sa parents mo ano," sambit ni Derick.

"Pero po," she hesitated.

Napatingin ako kay Joaquin nang may halong pag-aalala. He is just looking at her straigh. Hindi ko alam kung paano ko makukumbinsi ang anak kong sumama sa'kin eh wala naman ako sa tabi niya noong lumaki siya.

I feel so down, ang dami kong plano bago pa siya lumabas sa sinapupunan ko. Eh ngayon ngang yayayain lang namin siyang umuwi ay nagdadalawang isip na siya sa amin. She must have loved Wendell and his friends more than us, her parents.

Hindi nagtitiwala ang anak ko sa akin.

"Ayaw mo ba sa kaniya?" Tinuro ni Wendell si Joaquin nang lumapit na rin sila ni Derick sa amin.

"Iiwan ko po kayo?" She pouted.

I immediately dropped the weight on my shoulders nang makita kong nalungkot siya. Hindi niya gugustuhing mahiwalay sa kanila.

I must accept it, wala kami eh. Pero masakit pa ring makitang mas komportable ang anak ko sa iba kaysa sa sarili niyang magulang.

Growing up, she just saw me sleeping. Hindi ko siya naalagaan, napapakain, nahahatid sa school, lahat. Paano ako babawi kung mas gusto niya kina Wendell?

I looked down as Joaquin held my hand on my lap. "Maybe she needs time to adjust,"

Tumango ako, "Oo nga, sorry. Biglaan din kasi tayong pumunta,"

"Sabi ko sa'yo eh. Magpahinga ka muna sa bahay then ako na ang mag-aasikaso," he muttered.

"Eh gusto ko siyang makita," I replied with a pout.

Ramdam kong nakatingin si Darlene sa amin habang nagbubulungan kami rito. She looked worried, "Dito nalang po kayo tumira!"

"Eh?" Wendell immediately reacted.

"Darlene, sinabi ko na sa'yong bawal ang basura sa bahay ko," he glared at Joaquin.

"My daughter, our house is big, I can build your own castle if you would ask for it. You don't have to live in this cheap house anymore," Joaquin tried to convince her. Para lang hindi kami makitira sa bahay ni Wendell.

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon