URSULA
"Look what I found," he told me as he went in the living room.
Kakatapos lang naming kumain at mukhang hindi naman siya sinipon katulad ng inasahan ko. Mabuti naman.
Umupo siya sa tapat ko at saka nilapag ang isang bote ng alak. Hindi ako pamilyar sa hitsura pero base sa appearance nito ay mukhang hindi ko rin naman siya afford.
"My dad always leaves something to drink in this house. We barely come here pero hindi talaga siya nauubusan ng supply," he chuckled.
"E di hindi mo 'yan nahanap. Provided na pala ni Mr. Bermuda eh," I told him.
"Right, what ever. But it's pretty cold right now. Why don't we try heating up ourselves?" He shrugged and opened the bottle of alcohol.
I gulped, the last time I saw him drunk was the time he drove his car onto my house and tried to fetch me in the middle of the night. That was also our first kiss, at wala siyang matandaan sa kahit anong nangyari noong umagang iyon!
"You drink alcohol, right?" He asked.
Tumango ako, "Basta hindi 'yong pangsanitize,"
He laughed, "Pero kaunti lang ha, Joaquin. Kailangan kong maglaba ng damit,"
"Let the helpers do those," he told me.
"Nakakahiya," I muttered, never akong nagpalaba ng mga damit ko sa iba.
Binigyan niya ako ng baso, pagkataas-taas ng bigay niyang shot! Wala pang chaser o kahit yelo manlang, gusto niya yata akong ma-knock out kaagad!
I nervously laughed and took the glass. "Hehe, ganito pala uminom ang mayaman,"
Literal na shot puno, bad trip!
Kaya naman pala wala siyang naaalala kapag lasing siya, magkaka-amnesia ka talaga nang isang gabi kapag si Joaquin ang tanggero!
"Hindi naman ako mamamatay rito ano?" I asked.
He chuckled, "Ang weird mo, parang apple juice lang yan," pagpapagaan ng loob ni Joaquin.
I heaved a deep sigh before gulping the alcohol. Nagising ang buong kaluluwa ko sa lasa nito!
Hinampas ko ang braso niya, "Tangina mo! Apple juice ka d'yan. Ito ba 'yong apple na pinitas ni Eva? Lasang kasalanan!"
"Pfft-- what?" He prevented himself from laughing as he asked me.
Huminga ako nang malalim, agad na humagod ang sikmura ko roon. Uminit kaagad ang pakiramdam ko.
"Isa pa," binibigyan niya na naman ako eh hindi pa nga ako nakakamove on doon sa isa!?
"Ang gara mo naman, ikaw muna!" I pushed the glass to him.
"Tapos na ako," he told me.
"Weh? Hindi ko nakita, ulit!" Mandurugas ito ah, nagsho-shot kuno nang hindi ako nakatingin!
"I swear!"
"Paamoy nga," I grabbed his collar and tried to smell his breath para ma-confirm na walang dayaan.
Tumango ako at pinakawalan din siya kaagad nang maamoy ko ang alak. Pero masama pa rin ang tingin ko sa kaniya.
Hanggang tatlong ikot lang ako, hindi naman niya ako pinilit kaya siya nalang ang mag-isang uminom ng alak niyang lasang gamot sa sugat. Baka nga ethyl alcohol talaga 'yan?
Nanunuod ako ng kung ano-anong video clips sa phone ko. Kahit tatlong shots lang ang ginawa ko ay grabe ang sipa ng alak niya!
I tied my hair, medyo mainit na rito sa living room. Nang magsawa na siya ay nilagay din niya sa ref ang alak na natira. Mamaya nalang gabi, hindi pa naman lumulubog ang araw.
![](https://img.wattpad.com/cover/294696771-288-k456045.jpg)
BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romance"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...