URSULA
"It's raining," napatingin ako sa bintana nang may magsabi no'n.
Totoo nga, malakas na ito at masyadong delikado kung magbabiyahe kami kasabay ng ulan.
"Naku, sana nakauwi na 'yong mga bata. Saka may mga dalang payong 'yong mga magulang," nag-aalala kong sambit.
Wala na kami sa mismong siyudad at hindi ko na rin alam kung nasaan na kami. Hindi ko na halos napansing umuusad na pala ang biyahe.
Pinarada muna ni Wendell ang sasakyan para magpatila. "You should buy snacks," utos ni Joaquin sa kaniya.
"Hoy, 'wag na. Dito ka nalang at baka mabasa ka pa," bilin ko.
"It's raining, natural na mababasa siya sa ulan," Joaquin told me.
Sa bagay, totoo naman. Pero nagvolunteer nalang ako. "Ako nalang ang bibili,"
Nakakahiya, siya na nga ang nagdadrive ay siya pa ang uutusan. Kung si Joaquin lang ang kasama niya okay lang, pero nadadawit ako kaya siguro nakakaramdam ako ng ganito. Ayaw kong may maperwisiyo.
He scoffed and laughed at me. "Anong nakakatawa?" I asked. Nakakunot ang noo ko, umiling lang siya.
"Hala siya oh," I muttered after seeing Wendell getting out of the car.
May bitbit naman siyang payong nang pumasok siya sa loob ng supermarket. Pero nakakairitang may sarili siyang mundo. Ako na nga sana ang bibili eh, ayaw ko sa loob ng sasakyang ito, masyadong tahimik.
"Halatang labag sa kalooban niyang magtrabaho sa'yo," komento ko.
"He hates me," he said with a shrug.
Lumingon ako sa kaniya. "Bakit naman?"
He gestured me to come close. "Come here, talikod ka,"
Nasa kasuluk-sulukan na pala ako ng back seat. I sighed and went closer to him. Tumalikod din ako kagaya ng sinabi niya.
Napaayos ako ng postura ko nang maramdaman kong minamasahe niya ang mga balikat kong kanina pa kumikirot. "Are you alright?" He asked.
"You spaced out for a while. I felt so bad, but we all know that she's doing well right now, somewhere," napayuko ako.
"Alam ko, pero nakakapanibago pa rin para sa akin. Kahit sobrang tagal na, parang kahapon lang din siya nangyari," I muttered.
"Palagi akong nagpipicture para may ipakita at ikuwento ako kay mama," I chuckled as I reminisce the good times. "Wala akong ibang puwedeng kuwentuhan ng mga bagay maliban sa kaniya,"
"Hindi mo ba napansin?" He asked. Bahagya akong napalingon sa kaniya nang may kunot ang noo.
"You're telling stories to me. It means, kakuwentuhan mo ako," he smiled. Napaiwas ako ng tingin at yumuko nalang.
After the massage, umupo na ulit ako nang maayos, much closer to him. "I can be your listener. I will gladly take a look of the photos you captured. Hindi puwedeng palagi mo nalang iisipin na ngayong wala na siya ay wala ka na ring kasama,"
I chuckled, "Totoo ka ba?"
He just smiled and leaned his back. "I also relied on my mother back then. But seasons change so we should learn how to blend in the new environment. Being dependent to someone is so scary, Sula,"
"Hindi naman ako dependent kay mama," I muttered.
"But you still put her first. You should try deciding for your own good,"
![](https://img.wattpad.com/cover/294696771-288-k456045.jpg)
BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romance"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...