21

591 36 58
                                    

URSULA

"Ten minutes nalang po, start na tayo," nakangiting sambit sa akin ng isang organizer.

I took a deep breath bago nagmasid sa paligid. Napakaengrande ng lugar, nakadispaly rin kahit saan ang prenup photos namin ni Joaquin. May cameras kahit saan ako tumingin, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mamataan sila papa.

Ten minutes nalang. Nasaan na sila?

Baka may conflict lang sa damit, baka nagsusuot na siya ngayon ng suit niya. Hindi naman nila ako papaasahin, hindi ba? Sinabi ni tita na dadaragin niya si papa papunta rito.

Kumakabog ang puso ko, kada lunok ko ay siya ring pagdama ko kung gaano kasakit ang lalamunan ko kakapigil sa aking luha na tumulo. Ano bang binabahala ko, pupunta sila.

Hindi ako maglalakad mag-isa sa grand entrance ko. Escort ko si papa.

Napaangat ang tingin ko nang may marinig na kaming kumakanta mula sa loob ng Simbahan. Gago, start na!?

"U-uh, puwedeng 5 minutes pa?" I humbly asked the organizer.

She sighed, pinagbigyan nila ako. Pero unti-onti na silang nagpapapasok ng tao. I had the urge to bite my nails pero alam kong hindi puwede. Kung ia-angat lang nila ang belong suot ko, makikita nila kung gaano kalapit nang tumulo ang mga luha ko sa kaba.

"Ma'am, need na nating pumasok, naghihintay na po ang lahat sa loob, especially your groom," they tried to convince me. Halos 15 minutes ko na rin silang pinaghihintay.

"Wala pa ang escort ko," yumuko ako.

I gasped after feeling an arm snaking on mine. Napaangat ako upang makita kung sino ito, but he's not my father.

"I'm sorry, I'm late," he apologized.

"Wendell, hindi ikaw ang escort ko," garalgal kong sambit.

"Hindi na 'yon darating. Don't let the guests wait this long," he told me. Napasinghot ako pabalik ng luha ko. His cold treatment somehow helped me prevent my tears.

"Mainipin ang mapapang-asawa mo. If umabot ka pa ng isang oras sa labas baka siya pa ang magsundo sa'yo rito," dagdag pa nito na siyang kinadismaya ko.

Alam ko, pero masama bang mag-assume na darating pa talaga sila papa? Even Joaquin tried to persuade him, bakit ang hirap niyang imbitahin? Hindi naman makakain ng kasal ko ang buong araw niya.

"Hindi ka talaga late," I muttered.

I know it, ang alam ko ay isa siya sa mga nauna nang pumasok. He just came back to escort me inside. Para na rin hindi mapahiya ang mga Bermuda sa guests at sponsors.

Now I pity myself for being pathetic. Ayaw talaga ni papang umattend, wala siyang balak na makita ako ngayon.

Suot ko ang damit na sinukat ko kasama ni Wendell noon. It has silver design and details, the designer told me to wear a dress that will trigger my groom's temptations. It hugs my curves and exposes my shoulders, I look like I'm on the same level with them, kahit sa totoo lang ay buong taong sahod ko na ang presyo nito, kasama na ang thirteenth month pay.

"Ngiti," napaangat ang tingin ko at automatic na ngumiti nang marinig ko siya.

We are now walking at the aisle. There are cameras, and unfamiliar smiling faces of elite guests. I was forced to smile dearly.

Wala manlang akong pamilya sa loob. They would probably think na pera lang talaga ang habol ko sa mga Bermuda. Why am I hiding my family? Bakit secretary ng father in law ko ang kasama ko? Magkano ang binabayad sa akin ni Joaquin tuwing gabi?

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon