56

503 28 21
                                    

URSULA

Nang makarating kami sa bahay niya ay binati kaagad ako nila manang Tes. Miss na miss niya ako, parang ako 'yong anak niyang nag-abroad.

Habang nakikipag-usap sa kaniya at kay Tristan ay nasa likuran ko lang si Joaquin. After ng kumustahan ay nagsalita na rin siya, "Manang, nareceive niyo po 'yong message ko ano? My wife is hungry,"

"Naku, ano ka ba ijo, ready ako! Nakapagluto ako nang marami para kay madam," nginitian niya ako. Napatawa nalang ako at tumango.

Sinundan ko siya sa kusina, Joaquin is still at my back.

If he only knows that I low-key wants him to cook for me. Sa ganoong way, naramdaman kong asawa siya noon.

Kumain ako at patuloy na nakipagkwentuhan kay manang. "Naku, Tristan. Malapit ka nang magkaroon ng kalaro sa bahay na 'to," I smirked at him.

"Ate Sula, big boy na ako. Hindi na ako makulit katulad noon 'no," he told me.

I just hissed, lahat nalang ba nag-mature habang tulog ako? Ang unfair naman. "Tristan, bakit ganiyan ka sumagot?" Panenermon ng lola niya.

"He's bluffing. He still acts like a kid," napatawa nalang ako sa pambubuko ni Joaquin.

"Kuya Joaquin! Big boy na ako!" Pandidipensa nito sa sarili.

"Tristan!" Manang hushed him.

"Baka may crush na," I muttered, playing around.

"May nililigawan ka na 'no?" Pang-aasar ko.

"Ate, bata pa ako para d'yan 'no!" He denied.

"Tignan mo, bata ka na ulit," I giggled, I glanced at my husband, he is smirking at him.

Sa wakas, kaunting ngiti pa, please.

Nakailang jokes na ako. Hindi ko pa siya nakikitang ngumiti, sinasabi niyang masaya siya, pero hindi ko maramdaman. Mabuti ba talagang gumising pa ako?

I shook my head, baka wala lang sa timing, lahat sila ay nag-aadjust.

"Namayat ka, madam. Baka napunta lahat ng nutrisyon mo sa katawan diyan sa buhok mo," she told me. 

Napahawak ako sa buhok ko dahil sa sinabi niya. "First time kong makapagpahaba ng buhok,"

Kung tutuosin ay unang kain ko ito matapos ang halos dalawang taon.

"Saan po kayo galing, madam?" She asked.

"Lumayas ako, akala ko kasi may kabit siya," I pointed at Joaquin's direction without even thinking about what slipped out my mouth.

He sighed and looked at my side, "I have none, I swear--"

Nagbuntong hininga ako bago pa siya matuloy sa pagsasalita. "Manang, noong hindi pa kami kasal, mga ilang babae ang pinakamarami niyang nadala, like sa isang gabi, mga tatlo ang kasiping niya, gano'n? May instance ba na gano'n?" I chuckled while asking. 

"H-haha," she hesitantly laughed.

Nang makita kong wala naman silang matinong reaksyon sa sinabi ko ay hindi ko nalang tinuloy. "Nagjojoke lang ako, imposible naman 'yon 'di ba?" I asked, smiling.

"Hindi imposible? Sige," I nodded nang manahimik lang silang dalawa. Okay, si Tristan nalang ang kukulitin ko. Sino kayang crush nito?

"It's all in the past," napatingin ako kay Joaquin nang magsalita na siyang muli.

Nasamid ako, "Gago, posible pala," I muttered while looking at my plate.

Nangilabot ako, my heart started to pound like the time I cought him with his secretary. Minsan talaga hindi maganda ang mga biro ko! Totoo pala!

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon