00

2.4K 69 65
                                    

URSULA

I was casually searching for a bench to sit at nang may biglang nag-approach sa aking isang staff ng mall.

Kanina pa ako naglalakad, gusto kong magpahinga. At alam kong dadaldalin ako nito para lang maka-avail ng advantage card o kung ano mang sale nila rito sa mall.

"Hi Ma'am, mag-isa ka lang po?" Hindi po, kasama ko po si Lord.

"Opo," puwede po bang umalis ka na para mag-isa nalang ako ulit?

"May nagaganap po kasing raffle draw sa ground floor. Baka gusto nyo pong bumili ng ticket pang-entry?" alok niya sa akin.

Sabi ko na nga ba't bebentahan ako nito eh. I wanted to ignore her pero mukhang titigilan niya lang ako kung bibili ako ng ticket sa kaniya. "Talaga po? Magkano ang isang entry?"

"Bente lang po!" Tumango nalang ako at bumili ng isa. Para akong bumalik sa high school, never naman akong nanalo sa mga ganito.

Inisip ko nalang na tulong ko na ito para sa trabaho ni ate. Mabait naman akong tao, lalo na kapag maganda ang kausap.

Nakangiti niya akong inabutan ng isang maliit na yellow envelope. Tumango siya bago nagpasalamat at umalis sa harapan ko. I just shrugged at naghanap muli ng mauupuan.

Nakakangalay ang bitbit kong cake. It's my mother's birthday and my father failed to come dahil high school graduation ng anak niya sa labas. Okay lang, ako lang naman parati ang may time kay mama.

It's been a seven years since she passed away. Halos 15 years na nang malaman kong may kabit si papa. Ang bata ko pa no'n, wala akong nagawa, pinapanuod ko lang si mama na umiyak, kasi ano nga namang magiging impact ko kay papa? Anak lang naman ako.

But it's fine now. Kung masaya siya sa pamilya niyang bago ay masaya rin naman ako. Unti-onti ko nang tinatanggap ang lahat.

Siyempre joke lang 'yon. Itong galit ko nakapalitada na 'to, kasing tibay ng dingding. Hindi ko matatanggap na parang ako pa ang anak sa labas kung ituring ako ng tatay ko.

Para mawala ang inis ko sa bwakanang bagong pamilya ni papa, sinuri ko nalang itong envelope na binigay sa akin no'ng staff. Para siyang angpao pero kulay dilaw.

Bermuda Corporation Appliances
BIGGEST GIVEAWAY!

30 Winners of 20,000 Cash
15 Winners of Bermuda Stand fan
10 Winners of Bermuda Vacuum Cleaner
5 Winners of Flat Screen TV
3 Winners of Brand new Smartphone
2 Winners of Refrigerator
And One Winner for BERMUDA PACKAGE!

Wow naman, kung ganito kamapagbigay ang mga ninong ko, e di sana may sarili na kaming franchise ng shop na 'to.

I opened the envelope at saka ko nakita sa loob ang ticket ko. Metallic white, hindi katulad ng mga ticket na binebenta ng mga girl scouts sa school namin dati noong high school.

Napatingin ako sa paligid nang biglang naging dim ang mga ilaw. I just realized na nasa ground floor pala ako at maraming taong nakapaligid dito. Napatingin nalang din ako sa crowd nang makarinig ako ng kung sinong nagsasalita, kasunod no'n ay ang hiyawan dahil siguro may nagpeperform sa stage.

Kahit ang daming tao, pinilit ko pa ring magstay. Aba mahirap i-let go ito, paano kung 50 lang kaming nakabili ng ticket e di sure win na ako, baka mauwi ko pa 'yong ref.

Para naman matuwa-tuwa si papa sa mga pinaggagagawa ko sa buhay ko.

Nalaman ko na online pala naka-avail ang iba ng ticket. Mukhang patok naman sa masa ang appliances nila dahil matibay at saka pumipili sila ng mga poging salesmen. Lahat ng mga nag-iikot na nakakulay dilaw rito sa groundfloor ay may mga hitsura? Strategy yata?

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon