[warning: r18+]
URSULA
Kumaway ako kay Darlene habang papasok siya sa loob ng kaniyang room. She smiled and waved back, pati si Joaquin ay kumaway na rin.
Sa wakas, nagagawa ko nang ihatid sundo ang sarili kong anak. Napakacute niya sa pre-school uniform!
"Hihiramin daw nila dad si Darlene later. Sila nalang daw ang magsusundo sa kaniya," sambit ni Joaquin habang naglalakad kami pabalik sa kotse.
Tumango ako. I checked my phone kung may update sila Jino sa akin. "Kanina ka pa sa phone mo," he called me out.
"Kailangan ko ng update about sa party ni Darlene," pagpapalusot ko.
"Oh, about kay Darlene," he nodded.
Tumingin ako sa kaniya, "Ano pa ba?"
"Wala," he responded.
I just shrugged and continue to scan my phone. Sa pagkakainip ko ay tinawagan ko na si Jino. Lumayo ako nang kaunti kay Joaquin para hindi niya ako marinig. "Ano na? Kailangan ko ba siyang libangin ngayon? Bakit ang tagal?" Nababahala kong tanong sa kaniya.
["May traffic! Puwede namang mauna na kayo sa bahay, 'wag mo nalang siya pababain!"] I groaned after hearing his update.
"Mas okay ba 'yon? Mag-aasikaso pa kami kasi alam niya ring may mga bisitang hiwalay si Darlene, didiretso sa bahay 'yong classmates niya kasama 'yong parents pagkadismissal," sabi ko sa kaniya.
["Mauna na kayo, patulugin mo muna siya. 3 hours lang,"] suhestyon nito. Paano ko papatulugin nalang 'to bigla?
I sighed as I ended the call, "Is that necessary? Bakit kailangan mong lumayo?" Tanong muli ni Joaquin nang makalapit ako.
"Hindi naman, tara na umuwi na tayo," I smiled and dragged him inside the car.
Nang makauwi kami ay wala pa talaga ang mga kaibigan niya. Ang mga nandoon lang ay mga nag-oorganize sa bakuran para sa birthday ni Darlene. Kinausap namin sila sandali, tapos na ang preparation at naghihintay nalang kami sa mga guests pati na sa birthday girl. Siguradong matutuwa siya sa party na ito!
"Excited na ako, first birthday niya ito na kasama ko siya," I smiled at the venue, simple lang ito pero never ko namang naranasan. Masaya akong mararanasan ni Darlene ang mga bagay na hindi nagawa sa akin ng mga magulang ko noon.
"Me too," I looked at him, just to realize that he is staring and smiling at me as I admire the place.
Ang gandang venue ng bakuran ni Joaquin, puwedeng rentahan pangshoot ng pre-nup!
"Matulog muna tayo," I told him para lang mapaakyat ko siya.
"Huh? Hindi ako inaantok eh. You can just go there then maghihintay nalang ako sa mga guests," he said.
"Tara na," hindi niya puwedeng makita ang surprise namin para sa kaniya!
It is not just Darlene but it is also his birthday! I have never been in his side in the past few years, kung tutuosin ay ito rin ang unang celebration ko ng birthday niya.
"Hindi pala ako inaantok," I walked upstairs, sinundan niya rin naman ako.
Pumasok ako sa music studio niya. Sound proof ito, hindi niya maririnig ang mga kaibigan niya sa baba if ever. He locked the door, I started roaming around.
Namataan ko ang ilang mga dumbbell at iba pang gym equipment. Napansin kong sa bawat room na nasa bahay niya ay may at least isang ganiyan.
"Sa banyo ka lang walang treadmill 'no?" Tanong ko sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Fortunate
Любовные романы"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...