URSULA
Napatalon ako sa gulat nang padabog na nilapag ng customer ang plato. I breathed heavily, "Pasensya na po, Miss. Mali po ang pagkakarinig ko sa in-order niyo,"
"Paanong mali eh ang linaw-linaw ng pagkasabi ko?!" Nangilabot ang buong katawan ko sa pagsigaw niya.
I wasn't able to response, ngayon nalang ako nasigawan nang ganito. "Ano pong nangyayari rito?" Fortunately, dumating na ang boss ko, ang mama ni Hiraya.
"Ito kasing crew niyo tatanga-tanga!" I shut my eyes closed. I want to cover my ears, pero alam kong hindi 'yon puwede.
"Pagpasensyahan niyo po sana, buntis po siya," paghihingi ng paumanhin ni tita.
"Kung buntis ka pala e di magstay ka nalang sa bahay niyo! Magpaalaga ka sa asawa mo kaysa kami pa ang umintindi sa'yo," I scoffed.
By this time, dapat alam niya nang buntis ako. Miss, gusto ko rin namang magpaalaga sa asawa ko. Gusto kong siya ulit ang makikita ko tuwing umaga, hindi ang mga katulad niyong customer. Gusto ko ulit matikman 'yong luto niya, isang beses lang ako nakakain ng luto ni Joaquin, hindi rin ako sure kung aalagaan niya pa ako katulad ng sinasabi mo.
Pero sa kamalasan ko ay napansin niya pa iyong pagtawa ko, "Anong tinatawa-tawa mo!?" Everybody gasped when she started to grab my hair.
"Pasensya na po!"
Kung matapang lang ako, wala na siyang bunbunan dahil sa pagsabunot ko. Pero napapagod na ako, tatanggapin ko nalang.
Minsan ay naiinis ako sa sarili ko. Masyado akong umaasa sa karma, no matter how bad they treat me, I can't fight back. Kahit gaano pa kasakit ang gawin ng mga tao sa akin, hindi ko kayang gumanti.
Kung kakayanin ko lang sanang ibunton sa iba ang mga sakit na nararamdaman ko, hindi sana mabigat ang loob ko ngayon.
Ipon lang ako nang ipon ng sama ng loob, ni hindi ko alam kung paano ko siya ilalabas.
Nang matapos ang shift ko ay agad akong kinausap ng mama ni Raya. "Ang sabi ko naman kasi sa'yo, hindi mo kailangang pilitin,"
I chuckled. "Ayaw ko pong magstay lang sa bahay, gusto ko pong tumulong,"
She tapped my shoulders, "Pero Sula, hindi rin naman siguro matutuwa ang anak ko once na malaman niyang pinipilit mo pa rin magtrabaho,"
Tama, kasalanan ko naman. Tinutulak ko ang sarili kong magtrabaho kahit hindi ko naman kayang makipagtalo sa mga customers.
"Malaki na po ang napuperwisyo ko sa inyo," gusto kong kahit papaano ay may naia-ambag ako.
"Pero seryoso, anong nangyayari sa'yo nitong mga nakaraan?" She asked.
"Hindi ko po alam, nanghihina po ang pandinig ko," I shrugged. "'Wag niyo pong sabihin kay Raya! Hindi lang po kasi ako nakapaglinis ng tainga, hehe, nabara 'yong sounds,"
"Naku, sa bahay ka na, baka mapasama pa si baby. Hindi ka puwedeng ma-stress ija," she told me. Tumango ako. "Maglinis na rin ng tainga para hindi masigawan ng pangit na customers!"
Napatawa nalang ako at nagpaalam. Binagalan ko lang ang paglalakad, mag-isa lang din naman ako sa bahay. Wala rin namang naghihintay sa bata, ayos lang ako.
At dahil pinauwi na ako nang maaga ay umupo muna ako sa isang bangko at saka pinagmasdan ang paligid.
Nakatira sa bayan ang magulang ni Raya pero hindi ito kasing kilala ng tinitirahan namin sa lungsod. It is just a small town with friendly environment. Mabuti nga at walang nakakakilala sa mukha ko, siguro ay hindi naman big deal ang buhay ng mga Bermuda sa lugar na ito. Tahimik din ang paligid kaya nakakapagpahinga ako.
BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romance"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...