URSULA
"Hey, uh, darling?" Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng boses.
I squinted my eyes and the first thing I saw was a godly face of a man smiling at me, "We're here,"
His soothing voice was the first thing I heard, it sounds like a melody. Parang nananaginip pa rin ako.
Agad akong umayos ng upo nang ma-realize kong ginigising na pala talaga ako ni Joaquin. "Sorry, napagod talaga ako," I apologized.
Minasahe ko pa ang mga balikat ko dahil ngayon ay tumatalab na ang sakit ng pagpinta namin sa dingding.
He chuckled, "It's fine, let's go," tumango ako at saka lumabas kami ng sasakyan niya.
Nalula ako nang makita ko kung nasaan na kami ngayon. Hotel ba ito? Mukhang bahay? "I will feel bad if I wake you up right after taking a nap so I decided to drive you home instead,"
"H-huh?"
"Come on, it's going to be your house soon. Mukha pa namang ayaw mong magkautang sa'kin, paano kung singilin kita sa accomodation fee ng hotel?" He asked while smirking as if he's teasing me.
"G-gaano ito kalayo?" Nauutal kong tanong.
Natatakot akong pumasok sa loob, paano kung makabasag ako ng gamit? Wala akong pambayad!
"Three hour ride, I guess? If galing sa house niyo," he answered.
Tumango nalang ako at sumunod sa kaniya sa paglalakad. "Inaantok ka na ba or baka gusto mo pang kumain muna?"
Tumigil ako sa paghinga at pinakiramdaman ang sarili. Nahihiya ako sa kaniya, at kinikilig din. Bwesit.
Ngumiti nalang ako, "May salonpas ka?" I suddenly asked.
Minasahe ko ang balikat ko, "Ang hapdi na kasi nito,"
"I think meron naman. Seat there, hahanapin ko," tumango ako at umupo sa couch.
Napangiwi nalang ako, buong katawan ko pa yata ang masakit. Kailangan akong balutan ng sandamakmak na salonpas.
"Saan banda ba? Ako na ang maglalagay," sambit niya nang makabalik siya.
"Ako na," pagpupumilit ko.
"Hmp," he shook his head as he went at my back.
Napaayos ako ng upo nang magsimula siyang imasahe ang balikat ko. I grabbed his hand and put it on the right place.
"Ah, d'yan, please," I can't help but to groan in pleasure. Mabuti nalang at marunong siyang magmasahe!
"Binigla mo ang sarili mo ano?" He asked.
I chuckled, "Ngayon nalang din ako nakakilos nang ganoon eh. Ayos lang naman sa akin kasi masaya ako--ah shit, dito pa," I told him while instructing his hand kung saan pa ang masakit na part ng balikat ko.
He hummed as response. "I have a question,"
"Did you ever date your guy friends?" Nawala ang ngiti ko dahil sa tanong niya.
"Hindi ano! Siguro kung wala nang choice," natatawa kong tugon. Halos magbarangan na nga kami ni Kael dahil sa pandidiri sa isa't isa.
"Really? That Caleb dude, you guys look like had dated each other before, or planning to date in some time," nasamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi niya.
"Naku hindi, hindi talaga," I shook my head.
"Paano mo pala nakilala 'yon?""We have a common friend, we're not totally close though. I just know him by face," he answered.

BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romansa"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...