09

695 33 36
                                    

URSULA

Nag-tutupi ako ng manggas ng suot kong blouse habang naglalakad pababa ng hagdan. May pupuntahan ako at kailangan kong makarating doon bago magtanghalian.

Maigi na rin akong nag-uunti-onti ng pagliligpit ng mga gamit ko. Hindi ko na pipiliting makisiksik, halata namang purgang-purga na ang tatay ko sa attitude ko.

Last night was a mess. Mabuti nalang at kahit papaano'y nakasama ko si Joaquin kagabi. Hinatid niya rin ako pauwi nang magmadaling araw na talaga. Pinilit kong maghintay hanggang sa makatulog sila.

First time kong magwalk out kay papa. Nakakahiyang magpakita ngayong umaga.

But then I stopped walking downstairs after hearing him talking to someone.

"I love your daughter,"

Ang aga pa ah, bakit may nag-aakyat na kaagad ng ligaw kay Calliope? Dapat mga hapon nalang siya dumating para kahit papaano ay wala ako sa bahay.

"Kung mahal mo pala, bakit ngayon ka lang humarap sa pamilya niya? Mas nauna pa naming malaman sa mga article, wala kang ginawang pamamanhikan manlang," lagot, nagsasalita na ang papa kong kung hindi mabubuking ay hindi rin aamin na may iba na siyang pamilya bukod sa amin.

"I respect her decision to keep this in private, for us two. If you're not comfortable with this set up, her being tied with a wealthy person, I apologize. But I promise, I really wanted to show up to you, to her family for a long time now,"

"Sinasabi mo bang ayaw ni Ursula na makilala ka namin?" nang marinig ko ang pangalan ko sa kabit ni papa ay bigla akong kinabahan, ako pala ang pinag-uusapan nila? Akala ko ay si Calli?

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa sala si Joaquin, ginigisa siya ng papa ko kasama ang bago niyang pamilya!

He's sitting across my father and his family. Alam kong hindi nakakaginahawa ang matitigan ng papa ko na para bang lumabag ka sa Saligang Batas. Joaquin is at ease but he must not be treated like this. He did nothing wrong.

"Ano naman po kung oo nga?" lumapit ako sa kanila't hinatak si Joaquin patayo sa kinauupuan niya.

"Anong ginagawa mo rito?" naiirita kong bulong sa kaniya.

"I'm inviting them to our wedding, since you don't want to do it yourself," he smiled at me reassuringly. Dinig ko ang ipit na hiyaw ng kapatid ko sa labas pero siniko siya ng mama niya.

"Hindi na 'yon importante," I took a glance at my father, who's just looking at my hand grabbing Joaquin's arm.

"Hindi importante? Kahit hindi mo pa sabihin ay ayaw rin naman naming makigulo," my heart skipped a beat after hearing those. Hindi ko alam na maririnig niya pa ang bulungan naming dalawa.

"Anong ayaw? Papa gusto namin--" dadaing sana si Calli pero pinigilan siyang makisawsaw ng mama niya.

"Oo nga naman, bakit ka nagsasayang ng panahon sa mga mabababang taong katulad namin. Hindi niyo kami kailangan sa kasalan niyo. Halata namang engrande 'yan, baka madumihan lang namin ang venue, hindi ba Sula?" tinaasan ako ng kilay ng papa ko.

I swallowed a lump on my throat. I can't talk back, once na magsalita pa ako, o kung magtagal pa ang pagtayo namin ni Joaquin dito, baka hindi ko na mapigilan ang luha ko sa pagpatak.

Joaquin chuckled softly, "No, Sir. Your presence is a must, I would love to know more about my future wife's family. And we're expecting you to be there. But if you refuse, we will still respect your decision," He bowed his head on my father as respect.

Masama lang ang tingin ni papa sa kaniya. Hindi ko na kinaya, hindi deserve ng mabait na si Joaquin ang magpakumbaba sa taong katulad ng tatay ko!

I dragged him out of our house. "Bakit ka pa ba kasi nandito? Off ko ngayon, hindi mo ako kailangang ihatid,"

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon