URSULA
Matapos kong kausapin si Sir Jihan ay dumiretso na ako sa main building ng Bermuda Corporation dahil pinapapunta ako.
Mabuti nalang at pumayag si Sir, kahit nga pag-ihi ko sa ground floor kwinekwestyon niya noon, ngayon wala na siyang sinasabi dahil alam naman niya ang purpose ng pagpunta ko.
It feels weird na pupunta ako rito nang ako lang mag-isa. Ngayon kami magpaplano kasama ang receptionist daw ng kasal namin.
At dahil tanghali na at saktong lunch break ako pinakawalan ni Sir Jihan, bumili muna ako ng makakain. Baka hindi ko afford ang pagkain sa loob ng building na 'yon. High quality pa naman daw ang mga appliances nila, baka manlumo lang ako ulit katulad ng pagbili ko ng kape ni Joaquin noong isang araw.
Kumain lang ako sa karinderya at bumili ng mga tuhog-tuhog na kikiam at tokwa para may makain ako habang nagko-commute. Okay lang kayang makita ako ng mga taga-building na 'yon na may dalang plastic cup na may sawsawan ng kikiam?
I just shrugged at bumili ng softdrinks. Pinaplastik ko na ito kay ateng tindera dahil paparating na ang sasakyan ko.
Nagfood trip ako habang nasa biyahe. Nabasa ko pa nga ang convo ng katabi ko dahil sa pagkabagot.
Nang makababa ako ay pumasok na rin ako kaagad sa building nila Joaquin. Ang laki talaga nito, pero bakit wala akong makitang basurahan?
I gulped after seeing the people inside, nakatingin ba sila sa akin? Nagbow ako nang kaunti at ngumiti, ngumiti rin naman sila pabalik.
Sa sobrang hiya ko ay napasipsip nalang ako sa straw ng inumin ko at inubos ko na ang natitira kong kikiam.
Aakyat ba ako sa office ni Mr. Bermuda? Nakakahiya namang mag-isa rito!
At mas nakakahiyang nakadisplay pa ang mga basura ko sa kamay ko. Minsan talaga ay kailangan ko rin ng bag.
"Ms. Ursula?" Napatingin ako sa tumawag sa akin.
"Mr. Bermuda asked me to accompany you. Tara na po?" She smiled at me.
Tumango nalang ako, mabuti naman at may dadarag na sa akin.
"Miss may basurahan ba rito?" Nahihiya kong tanong sa kaniya.
"Uh yes po Ma'am. Akin na po 'yang mga kalat ninyo," sinubukan niyang kunin ang kalat ko pero nilayo ko siya, mas mahihiya ako niyan!
"Uy ako na, nakakahiya naman," I laughed awkwardly.
Tumango nalang siya at dinala ako sa basurahan. Maingat kong tinapon ang mga kalat ko at saka kami nagsimulang maglakad muli.
"Dito po ang office ni Sir Joaquin," tumango ako nang ituro niya ang opisina ni Joaquin.
Pumasok ako, pero mukhang wala namang tao sa loob? "Nasaan siya?" I asked.
"I sent him as representative for an important meeting. Siyempre kailangan niya nang masamay since siya ang next na uupo sa puwesto ko," napalingon ako sa likod nang may makisabat.
I bowed to greet Mr. Bermuda, "Sula anak, napaaga ka,"
I chuckled and scratched my earlobe. "Pinapunta na rin po ako rito ni Sir Jihan," Hindi ko rin naman alam kung bakit pinaalis niya ako nang maaga.
"I never imagined that you'll be working with your soon to be brother-in-law," he giggled.
Pinaupo niya ako sa available na couch. Malaki ang opisina ni Joaquin kahit hindi pa siya ang CEO. Halos magkalaki na rin ito ng kay Mr. Bermuda, ang pagkakaiba lang ay ang amoy at kulay. Medyo bright ang opisina ng papa niya habang siya naman ay grayish at dark shades pa.

BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romantizm"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...