URSULA
"Game ako, Boss. Kaso may pasok ako kinabukasan," sagot ko sa kabilang linya.
["Iuuwi naman kayo kaagad, at saka hindi ka pa sure kung papayagan ka ng asawa mo,"] my friend, Caleb, said to me. Inaaya niya akong magvolunteer sa social work na gaganapin sa medyo malayong lugar sa siyudad na ito.
"Papayag 'yan," pagpapanatag ko. Hindi naman ganoon kahigpit si Joaquin, lalo na't alam niya ang purpose ng charity works ni Caleb.
["Nang hindi siya kasama?"] He asked.
"Medyo busy naman sila sa office kaya hindi rin talaga siya makakasama. Basta, ilista mo na ako sasama ako d'yan," sabi ko sa kaniya.
Ilang sandali pang nagtagal ang usapan namin ni Caleb habang nagte-take down notes ako ng mga kailangan kong dalhin. This might be one of their biggest project this year kaya kailangan ng maraming tao. Kaunti lang naman ang in-assign niya sa akin, pero alam kong nakakapagod din 'to lalo na't mahilig magpasa ng gawain sila Kael!
Matapos ang tawag ay naghanda na ako para ipasa ang natapos kong project kay Sir Jihan. Pagkatapos din nito ay puwede na rin akong umuwi nang maaga.
Sa wakas, makakatulog din ako nang mahaba-haba.
"Good evening, Sir," pagbati ko nang makarating ako sa office niya.
Mabuti nalang at mukha siyang kalmado ngayon. Baka pag-extend-in pa niya ako rito once na galitin ko siya.
"You can leave it there, thank you," mabuti naman at hindi niya naisipang i-check sa harapan ko.
"Thank you po," I bowed a little.
"By the way," aalis na sana ako sa opisina niya nang bigla siyang humirit.
"Hmm?" May ipapagawa ka na naman ba, sir?
"Are you not pregnant yet?" He asked.
I gulped, "Sir?"
"Almost three months na kasi kayong kasal pero wala pa ring news from Joaquin. You know, dad expects a grandchild that's why he fixed you both," he explained.
Magtatatlong buwan na pala. Ang dalang nalang naming magkita ni Joaquin, kahit iisang bahay lang naman kami nakatira. Sobrang busy naming dalawa, minsan ay hindi pa siya nakakauwi dahil sa dami ng gawain. Naiintindihan ko naman iyon dahil mataas ang posisyon njya sa company nila, and his dad probably pressures him to be better.
Pero tama si Sir, hindi pa ba ako buntis?
Just the thought of Joaquin cradling an infant made my heart flutter. Bakit hindi namin naisipang i-check?
"'Yon ba ang dahilan kaya ako pinakasal kay Joaquin?" I asked.
"I don't know, maybe?" He shrugged.
"Bakit hindi mo alam? Anak ka niya hindi ba?" Tanong ko sa kaniya.
"Bakit ka pumayag? May choice ka namang tumanggi, hindi ba?" Tanong naman niya pabalik.
I just looked down and contemplated. I don't know what to respond. He's right, I have a choice. Pero may mali ba sa binuo kong desisyon?
Joaquin agreed to marry me because he knows that his father is sick and he just wanted him to be happy. I don't want Mr. Bermuda to be sad knowing that he has an illness.
Iyon ang pinaninindigan ko, I chose this path to please Mr. Bermuda. But what's wrong with this is that I am still not certain on why am I the chosen one.
Ah, basta. I also picked this because I'm sick of my own family. I'm done seeking for attention, I want to have my own life instead.
"You may go home now, Mrs. Bermuda," tumango nalang ako at umalis sa opisina ni Sir Jihan.

BINABASA MO ANG
The Fortunate
عاطفية"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...