URSULA
"Mama, ito naman po 'yong birthday ko! Ayon po ikaw oh, natutulog," she giggled as she pointed me at the picture.
Hiniram niya talaga ang phone ni Wendell para isa-isahin ang mga picture niya sa akin. Naalala kong ginagawa ko rin ito kay mama noon.
"Ikaw, nagcelebrate ka rin ba ng birthday mo?" Tanong ko kay Joaquin sa driver's seat. Nasa tabi niya si Darlene habang ako naman ang nasa likuran. Hindi ko sila mapaghiwalay, mahal na mahal ni Darlene ang papa niya.
He chuckled, "It's not an important event,""
"Bakit naman hindi? Magkabirthday kayo ni Darlene," sambit ko.
Bigla naman niyang tinigil ang sasakyan. Hindi ko nakakapit sa kahit ano at nakalimutan ko pang magseatbely, tumilapon tuloy ang katawan ko pabagsak sa upuan!
"A-ah," I groaned as I sit up again. "Tangina mo," reklamo ko sa kaniya habang hinihimas ang batok. Parang umurong 'yong bungo ko sa lakas!
"Fuck, are you alright?" He moved back to carress my head.
"Fuck?" Napatingin kaming dalawa kay Darlene na ginaya ang pagmumura ng tatay niya.
"Darlene! Bad word 'yon!" Sita ko sa kaniya.
"Ikaw kasi eh!" Hinampas ko ang braso ni Joaquin at tinulak siya pabalik sa upuan.
"Nauna ka nga!" Reklamo niya rin pabalik. "Okay ka lang?" Pambabawi nito.
"Bakit ka kasi biglang huminto? Ack, ang sakit gago ka," reklamo ko ulit.
"I'm sorry," he apologized. "But are you serious?"
"Oo nga! Naalala ko lang din noong sabihin sa'kin ng dad mo na 'yong number ng raffle ticket ko ay birthdate mo, icha-chat sana kita kaso hindi ko alam kung may social media ka ba, baka poser ang mabati ko," I told him.
Baka wala pa nga siyang time para gumawa ng mga gano'n. Sayang pa naman dahil mukhang mapagkakakitaan pa sa social media ang visual niya.
"Bakit hindi mo nalang ako cinontact gamit 'yong number ko!?" He suddenly grunted. Masama na ba ang loob niya dahil muntik na akong bumati sa dummy account?
"Iba 'yong phone na gamit ko! Saka nagle-labor na ako no'n kay Darlene kaya hindi ako makagamit ng gadget nang matagal," wala rin akong maririnig kung sakaling tawagan ko siya.
"That's the reason why," he muttered, still not moving the car.
"Why ano?" I asked.
"I was short of breath, nagpanic ako without any reason noong birthday ko, nagdi-deliver ka na pala," he told me.
"Astig, connected pa rin pala tayo kahit magkalayo," I said.
He sighed and looked back, "I'm sorry I was not there with you,"
"Wala si papa noong birthday ko," Darlene butted in.
This is too much, I don't want to see her sad, ayaw ko rin namang makitang mas nadidisappoint si Joaquin sa nalalaman niya.
"Sa second birthday mo, anak. Hindi ako papayag na wala si papa mo, okay? Saka hindi na ako tulog sa picture!" I told her.
"Thank you po!" She immediately smiled at me.
"Kailan po ang birthday niyo, mama?" She asked.
"Ah, tuwing sabado birthday ko 'yan 'nak," biro ko.
"Totoo po?" Pati ba naman siya hindi ko ma-joke? "Joke lang. 'Wag na 'yon. Ayaw kong tumanda,"

BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romantik"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...