15

640 46 46
                                    

URSULA

Minabuti kong umalis nang madaling araw sa bahay, kung saan tulog pa silang lahat.

Iritang-irita ako habang nagtutulak ng bagahe ko. I didn't bring too much stuff, at saka nakakahiya namang maghakot. Isa pa, hindi ako mahilig magbitbit ng mga ganito.

"A-ate," napakunot ang noo ko nang makarinig ako ng boses.

"Saan ka po pupunta?" Tanong ni Calli na siyang tumawag sa akin.

Bakit nasa labas pa siya eh halos mag-uumaga na? Kakauwi niya palang ngayon? Mukha namang hindi siya galing sa party.

"May sinend akong text kay papa, pakisabj nalang if ever hindi niya makita. Magbabakasyon lang ako nang dalawang linggo bago ang kasal," I told her.

Tumango siya, binuksan ko ang bag na dala ko at binigyan siya ng tatlong invitation cards. She looked stunned, siguro dahil ngayon lang ako nakipag-usap sa kaniya. Sa kaniya ko nalang binigay ang cards, baka sakaling hindi punitin ni papa kung siya ang magbibigay nito.

Hindi naman ako aasang pupunta sila. Hindi ako aasa sa kahit ano. Pero, sana.

I sighed, "Mauna na ako,"

"Tulungan na po kita, ate," bungisngis nito, hindi nalang ako pumalag nang tulungan niya akong magbuhat ng gamit. Mabigat din naman ang mga dala ko. Para sa taong hindi sanay magbitbit ng bag, challenge na sa akin ito.

"Mabait siguro sa inyo si kuya, hindi katulad ni papa sa'yo," She suddenly told me.

She giggled, "Nakakatuwa naman, pinipili na ng ate ko kung anong magpapasaya sa kaniya. Sana palagi kang masaya ate Sula,"

Siguro nga, mapapasaya ako kung sakaling lumayo ako nang kaunti sa pamilyang binubuo nila ni papa. Gusto kong ipagdamot ang kasiyahan pero sa ganitong sitwasyon ay paniguradong ako ang dehado. Wala na rin naman akong kakampi. Mas mabuti nang hanapin namin ang kasiyahan ng bawat isa.

Pero iniisip ko pa rin kung masaya ba talaga siya once na umalis ako sa puder niya? Sasaya rin ba ako sa gagawin kong desisyon sa buhay?

"Dito nalang. Ako na ang magbubuhat," hindi ko alam kung bakit bigla nalang siyang nakikipag-usap.

Dahil ba likas na madaldal si Calli o gusto niya lang makalimutan kong naabutan ko siyang nasa labas ng bahay nang ganitong oras.

"Okay ate. Pasalubong ah," she giggled before running back to our house.

I just sighed, I sent a message to Joaquin para ipaalam na naghihintay na ako. Kailangan naming maagang makarating sa daycare center para magprepare at para na rin mameet ang mga parents nila. Sana lang ay maraming mga bata ang nandoon, mukhang maraming ipamimigay sila Caleb, dagdag pa ang regalo ni Joaquin sa mga bata.

Ilang sandali naman ay nakarating na ang sasakyan niya. Iba ito sa kadalasan niyang gamit. Mas malaki siya at malaki rin ang espasyo sa compartment.

"Hey, good morning!" Bati sa akin ng isang lalaki. Ito ba ang kaibigang isasama niya?

"Akin na ito, ako na ang bahalang magpasok," he winked before taking all my baggages.

Napakurap ako nang ilang beses. Sobrang tangos ng ilong niya't parang mga mata ng pusa ang tinititigan ko. Hinintay ko siyang matapos, bumalik siya sa gawi ko nang may halong pagtataka, "Oh? Hindi ka pa pumapasok? Nasa loob si Joaquin," he told me.

"I'm Jino," nakipagkamay siya sa akin.

Tinaggap ko naman ito, "Ursula,"

"Alam ko," he smiled, nginitian ko nalang din siya habang nagpapatigasan kami kung sinong unang bibitaw. Palaban ako, dapat siya ang mauna.

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon