28

522 32 55
                                    

URSULA

Buong biyahe ay nilibang ako kasama sila Skyler. Even the charity work itself, it is such a relief knowing that we actually helped those people in need.

It made me distract my mind. Hindi ko masyadong naisip ang mga maling desisyon ko sa buhay nang makita kong nakangiti ang mga bata sa akin. But a sudden pinch in my heart reminds me of a certain thing that I tend to avoid these days.

joaquin
I'm home

joaquin
bakit ang tagal mo?

joaquin
nasaan na kayo?

Napapikit ako nang mariin matapos niyang magtangkang tawagan ako. Kasalukuyan kaming nasa biyahe pauwi nila Kael, nakaupo sa harapan si Skyler at si Caleb naman ang nagdadrive.

Naiirita kong sinagot ang tawag niya. Hindi ko alam kung bakit bad trip ako, siguro dahil lang sa pagod, ikaw ba naman ma-stuck sa piling ng mga gagong malakas mantrip.

["Hello--"]

"Hindi nga ako uuwi hindi ba? Diretso ako sa office kasi may tatapusin ako," I anwered the call.

["Umuwi ka na,"] he told me.

"Hindi ako uuwi," mariin kong sambit.

["Nasaan na ba kayo? Akala ko hindi kayo aabutin ng ganitong oras?"] He asked.

"Malayo 'yong pinag-abutan namin ng tulong. Hindi nga kita kwinestyon kung bakit ganitong oras ka na rin nakauwi eh mga isang oras lang naman kadalasan ang tinatagal ng gig mo. Pwede bang matulog ka nalang mag-isa?" I told him, hiningal pa ako pagkatapos kong magsalita nang dire-diretso.

The other line went silent for a while. ["Sula, bakit ka galit?"]

I stopped breathing, oo nga. Bakit para akong galit sa tono ko? ["I just want you to go home and rest. Meron bang nakakagalit doon?"]

["At saka, pinagdududahan mo ba ako?"]

Napahinga ako nang malalim, "Sorry, hindi,"

["'Wag kang dumiretso sa office mo at sa bahay ka na magpahinga,"] he sounded more serious now.

"Oo, sorry,"

I ended the call at sinubukang matulog din katulad ng ginagawa ni Kael at Skyler ngayon. "Hindi niya alam na madaling uminit ang ulo mo kapag pagod ano," Caleb chuckled.

Siguro nga, pagod lang ako kaya napagdiskitahan ko siyang sungitan.

"Ngayon nalang din naman ako napagod nang ganito. Plus 'yong result pa ng pregnancy test, nakaka-stress," I held my temple.

Finally, I let it out now, I know the result of the pregnancy kit still bothers me. Gusto kong i-try namin ulit, gusto kong maghanap ng alternatives, pero natatakot ako. Ang nagawa ko lang ngayon ay pagurin ang sarili ko, pero at the end of the day tumatatak pa rin sa isip ko na what if positive na siya next time? What if parehas pa rin ng resulta ngayon?

"Malay mo naman makatulong 'yang asawa mo," he told me.

Napatawa nalang ako nang sarcastic. "Ang kulit nga niya, ang sarap niyang kalbuhin minsan,"

He chuckled and shook his head. Nagfocus nalang siya sa pagdadrive matapos kong ilabas ang mga hinanaing ko.

joaquin
Taken a bath already, you're still not here

joaquin
Our bed looks empty

joaquin
I want you for dinner

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon