30

510 40 19
                                    

URSULA

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may humahaplos sa leeg ko. Nginudngod ko lalo ang mukha ko para patigilin ang kamay na 'yon. Nakakakiliti!

"Are you feeling well? Your temperature is kinda high," nakapunot ang noo ko nang marinig ko ang boses ni Joaquin.

Kasalukuyan pala akong nakapatong sa dibdib niya habang natutulog. Bumangon ako't dumistansya nang kaunti sa kaniya. Sumilip ako sa wall clock, "Bakit hindi ka pa umaalis?" I asked him.

Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil sa sinabi niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko pero hindi naman siguro ito malala, dala lang ng ginawa namin kagabi.

"I had this urge to stay. Since you're sick, I might as well stay for real," he told me.

"Kaya ko ang sarili ko, wala naman akong sakit," sabi ko habang binabalot ang sarili sa kumot. I closed my eyes and tried to sleep again.

Hindi ko na siya narinig na dumaing, hindi kalaunan ay nakatulog din akong muli.

Joaquin, sa totoo lang, hindi ko kaya ang sarili ko.

Nang magising ako ay wala na siya sa kama. Bumaba ako at nagpahinga sa sofa at tinignan kung may iniwan siyang message dahil mukhang hindi ko siya nakikita sa loob ng bahay.

joaquin
an emergency came, will be back asap. I cooked for you, I don't want to see it once I got home. Get well soon.

Wala nga akong sakit, ang kulit.

Huminga ako nang malalim bago tumingin sa dining area, mayroon nga siyang niluto. It made me smile, iniisip niya talagang nagkasakit ako.

Ngayon, anong gagawin ko sa bahay? Wala naman akong makakalaro dahil nagleave si manang, wala si Tristan sa bahay. Matatakot lang akong mag-isa rito.

Naalala kong may pinangako pala ako sa papa ni Joaquin na bibisita ako. Since hindi na rin naman ako makakapasok, dadalhin ko nalang ang niluto niya sa opisina ng papa niya para doon kainin!

Bago ako umalis ay nag-email muna ako sa trabaho ko ng dahilan kung bakit hindi ako makakapasok ngayon. Dahil nag-iinarte ako.

Pumunta ako sa building ng manugang ko, medyo nahiya pa ako sa hitsura ko dahil ako lang yata ang hindi nakaformal attire. Nanguha lang ako ng jacket ni Joaquin sa closet at saka jogging pants. Wala rin naman akong gagawin kung hindi kumain at makipagkwentuhan kay Mr. Bermuda, hindi ko kailangang magsuot ng formal.

"Ursula!" Napalingon ako nang may tumawag sa'kin. Ngumiti ako nang malaman ko kung sino ito.

"Kumusta ka na? Big time na ang inaanak ko! Sabi na eh, ikaw 'yong napang-asawa ng anak ni Bermuda, kilala kaya kita!" Sabi ng security guard sa akin. Kaibigan ito ng papa ko, mabuti naman at may trabaho na siya ulit!

"Ayos lang po ako!" Sambit ko. "Kumusta naman po si papa?" I suddenly asked.

"Papa mo? Ayos lang naman? Bakit hindi mo bisitahin?" He asked back.

"Ano po kasi, hehe," napakamot ako ng braso.

Hindi naman niya ako pinilit magsabi ng dahilan. We started to consult ourselves, pati na ang ibang relatives namin. Hindi ko namalayan na napatagal din ang pagkukumustahan namin.

"Sula? What are you doing here?" Lumingon akong muli sa likuran nang makita kong yumuko si manong.

Halos nakalimutan ko nang iisa lang pala ang building na pinapasukan ni Joaquin at ng papa niya. "Uy,"

Kakaparada lang ng driver niya sa sasakyan, mukhang galing siya sa meeting. At katulad ng ibang empleyado rito, nakaformal din siya. Parang napadaan lang ako galing sa grocery store! May dala pa akong paper bag dahil sa pagkain na niluto niya!

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon