29

550 39 98
                                    

URSULA

(Two months later)


Nang magising ako ay wala na akong katabi. I just sighed and went downstairs to cook for breakfast. Parang dati ay hatid-sundo niya pa ako kapag papasok sa trabaho, hindi siya pumapayag na umalis ako nang hindi kami sabay.

Nagpaalam sila Manang na uuwi galing ibang bansa ang anak niya kaya magli-leave siya sa trabaho nang tatlong linggo. Mas tahimik tuloy ang bahay dahil hindi naglalaro sa paligid ang apo niyang si Tristan.

Nakita kong may text siya sa'kin.

joaquin
check it now, show it to me later when I got home.

Kinabahan ako, ngayon ko na pala titignan kung may nabuo na ba kami.

Kalahating taon na naming tina-try, kalahating taon na pala akong nakikipaglokohan sa sarili ko.

Akala ko magiging okay lang ako, pero sa paglipas ng panahon ay mas napapansin kong iba na ito sa sinimulan namin. Umiikot lang ang buhay namin sa pagtatrabaho, we barely see each other kahit magkaparehas lang naman kami ng bahay na tinitirahan.

I tend to think that he just faked all of those moments that caused me to feel the butterflies. I'm scared, what if it's indeed fake?

Kaya siguro hindi kami binibiyayaan ng anak dahil hindi naman totoo ang lahat sa amin. Siguro nga ay kailangang kilala mo na nang matagal at mahal mo ang taong papakasalan mo para magkaanak kayo.

But if we already have a child, hindi ba't parang ang kakalabasan nito ay katulad ng kina papa?

What if he'll just stay with me because of the child? Paano kung bumuo rin siya ng pamilya niya sa labas? Kakayanin ko kaya 'yon?

Dapat na kayanin ko. Fixed marriage lang ito, wala kaming pinagsamahan katulad ng kina mama. At saka dapat panagutan ko ito dahil kasalanan ko rin naman kung bakit nandito ako ngayon. I shouldn't care, but will I be able to do that?

Matapos kumain ay nag-ayos na ako papasok sa trabaho. Hindi ko muna titignan, natatakot ako. Baka matulad ito noing nakaraan na sa sobrang excited ko ay nasira ang buong araw ko dahil sa resulta.

Right before lunch, tinext ko si Wendell kung puwede ba kaming magkita. He agreed to pick me up in our office.

It's unexpected but I got close to Wendell. Madalas kaming magkausap at minsan ay nakakasama ko rin siya kapag lunch break tutal malapit lang naman ang building nila. Ang pagkakatanda ko ay may utang pa nga ako sa kaniyang singkwenta.

"Ano na naman bang problema mo?" he nonchalantly asked.

Masungit pero napapakiusapan pa rin, mabait siya kaya nagkasundo kami! "Eh kasi, magpapabili lang sana ako, d'yan lang sa may botika,"

"Okay, ano ba 'yon?" He asked.

"Pregnancy kit, tatlo lang," I said.

Nginiwian niya ako, "What the hell?"

"Sige na! Baka purgang-purga na sila sa mukha ko kada buwan nalang pumupunta ako para bumili, nakakahiya," pagdadahilan ko.

"Ano pa sa'kin?!" hindi makapaniwala si Wendell at tinuro pa ang sarili.

Ilang beses ko lang siyang nakita na maglabas ng emosyon, mukhang labag talaga sa kaniyang bumili ngayon! "Sige na, please. Akala naman nito hindi babayaran eh,"

"Fine! Ano bang klaseng asawa 'yang Joaquin na 'yan. Dapat siya ang kinukulit mo eh," he irritatedly scratched his nape.

"Uy, first time mo siyang tawagin sa pangalan niya," sambit ko.

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon