URSULA
We both went inside his car matapos kong makarecover. Ang daming pinagsasabi no'ng kaibigan niyang doctor about sa pagtake ko ng gamot, hindi naman ako nakinig kasi medyo inaantok pa ako.
Pambihira, dalawang taon na akong tulog, antok pa rin?!
Habang nagsusuot siya ng seatbelt ay may napansin ako. Kinuha ko ang pakete ng sigarilyo mula sa harapan.
"Sula," he called me.
"Bakit? Titignan ko lang," palusot ko.
"Hindi na ako nagso-smoke. I swear, matagal lang din akong hindi nakapaglinis," bigla niyang pagdipensa sa sarili niya.
"Wala naman akong sinasabi," I shrugged. "Saka dalawang taon kang hindi naglinis? Imposible. Ang bango nga ng kotse mo,"
Kahit na sabihin niyang hindi siya naglinis ay baka naman nagpapalinis siya sa mga helpers.
"But I fucking made it possible. Believe me or not, I only used this car if ever there is an emergency. Hindi ako umaalis sa tabi mo simula noong malaman ko kung nasaan ka," he tried to explain. Tumango nalang ako, hindi ko alam kung bakit kailangan niya pang magpaliwanag.
"Sa tingin mo may time pa ako para magsmoke?" He asked.
"Madali lang naman 'to eh," I took one stick out to demonstrate pero inagaw niya ito sa akin at saka binali. He glared at me before he threw all the cigarette in a trash bin.
Bahagya nalang akong tumawa nang makita ko ang reaction niya. "Sula, walang nakakatawa,"
"Ang kunat mo," I hissed.
Akala ko ay makikipagbiruan na 'to, nabo-bored na nga ako tapos ang tahimik niya pa. Pero naiintindihan ko naman siya, siguro hindi pa rin siya makapaniwala.
It looks like he changed a lot. Masyado niya na akong pinagtutuunan ng pansin ngayon, kanina lang ako nagising pero hindi pa rin siya lumalayo ng kahit dalawang metro sa akin.
"Ikaw ba talaga ang asawa ko?" Natatawa kong sambit habang tinigtignan siya mula sa likuran.
"Nakakapanibago lang na makitang bagsak ang buhok mo, nakacasual clothes ka pa, sa labas! Nakikita lang kitang nakasando kapag nasa loob ka ng bahay eh," Para ngang hindi kumpleto ang outfit niya kapag hindi siya nakaitim na slacks at hindi nakagel ang buhok.
Hindi ko manlang siya napangiti, "Bakit ang sama pa rin ng mukha mo? Masaya ka ba talagang nagising ako?" I asked.
He looked at me in surprise, "Of course! Mukha bang hindi ako masaya?" He panicked.
"Did I make you feel that way? Sula, may mali ba sa expression ko?" He asked worriedly. Ang praning naman nito.
"Wala, parang iba lang kasi," I shrugged and closed my eyes to relax my mind. "Inaantok ako," I muttered.
"Puwede bang iba nalang ang magdrive? Tabihan mo ako," biro ko sa kaniya habang isinasandal ang likuran sa upuan.
"Sula, can you please stay awake?" He asked.
I chuckled, still closing my eyes. "Gusto ko,"
"Alam kong takot ka ring matulog ako ulit. Paano kung two years ulit bago ako magising," I told him. "Dapat mameet ko na si Darlene para naman may panaginipan ako,"
Gustong-gusto kong gumising pero hindi ko magawa noong mga panahong iyon. May naririnig ako pero bumubulong lang sila sa akin. Dagdag pa ang nakakairitang tunog ng mga makina sa hospital na nagpapaalala sa kalagayan ng mama ko noon. Ayaw ko nang maulit, natatakot na akong matulog ulit.
BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romantizm"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...