URSULA
"Ang ganda 'di ba ma? Sa tingin mo kapag nakita ako ni Hoshi na nakaganito mamaya, mapapa-oopz kaya s'ya?" biro ko habang nirarampa ang isusuot kong gown sa birthday ko mamayang gabi.
Nasa loob ako ng hospital, gusto kong si mama muna ang makakita sa'kin bago ang ibang mga bisita.
Napangiti nalang ako nang makita kong humalakhak nang kaunti si mama dahil sa sinabi ko. Vocal ako pagdating sa crush ko, ewan ko ba kay Hoshi, bakit ayaw niya pa umamin sa'kin.
"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko," she commented.
I just smiled and went near her. How I wish na puwede rin siyang makadalo sa birthday ko. Kung ako ang papipiliin, mas gusto kong magstay sa tabi niya. Pero pinilit niya akong makipagsocialize sa mga kaklase ko, alam niyang inaalagaan ako nina Skyler habang nasa loob pa rin siya ng hospital.
"Magpagaling ka ma, ha? Dapat sa susunod na birthday ko ikaw na ang magluluto, sinusumbatan kasi ako ni Mikael, as if naman mas masarap 'yong carbonarang gawa niya kaysa sa gawa mo," I giggled when she pinched my cheeks.
"Ikaw talaga,"
She gestured me to come close. Niyakap ko siya. Ramdam ko ang pagkatuyot ng lalamunan ko sa kakapigil sa sariling umiyak sa harapan niya.
She brushed my hair and then she began to sing me a song with her shaky voice. "Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday,"
"H-happy birthday to you," I can't help but to tear up as I sensed that my mother's starting to cry now.
I know, kahit na makadalo si mama sa birthday ko, hindi na ito katulad ng dati. My father is already living with his other family, kung sakaling mawalan ako ng mama, mawawala na rin lahat ng pundasyon na binuo ko, pretending that everything is okay is the hardest thing for me.
"Siguraduhin mong mapapa-oopz si Hoshi sa suot mo mamaya ha? Magpalit ka na ng damit," she patted my shoulder para pakalmahin ako.
Bumangon ako't nagpunas ng sariling luha. Tumango ako sa kaniya habang pinipigilan ang sinok.
"Sula anak, mahal na mahal ka ni mama, ha? I love you, happy birthday anak,"
"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you," pagkanta sa akin ni Wendell habang bitbit ang isang bento cake galing sa loob ng sasakyan niya.
Hinampas ko ang braso niya nang makaupo siya sa tabi ko. "Ouch, ano ba kinakantahan ka na nga eh,"
"Wala manlang feelings?"naiirita kong sambit. Nagtarayan lang kami, hindi na siya kakanta pa ulit base sa ekspresyon nito.
Nakalimutan ko, hindi nga pala siya singer katulad ng asawa kong 'yon. Pero kahit na! Baka nga kumukulot pa ang boses nitong si Wendell kung kakanta siya sa karaoke!
"I don't have candles with me," I sighed and took the cake on his hand.
Naglabas siyq ng lighter mula sa bulsa niya at saka pinailawan ito, "Make a wish,"
"Woah, uso pa ba 'yon?" I chuckled faintly.
We stayed silent for a while. He let me have time to think. Dahil mukhang hindi naman niya papatayin ang lighter kung hindi ko hihipan, kaya hinipan ko nalang din.
"Bakit ka may lighter sa bulsa mo?" I asked.
"Bumili ako, akala ko kasi kasama na sa bento cake 'yong candle kaya hindi na ako bumili," tumango nalang ako.

BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romansa"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...