19

536 31 18
                                    

URSULA

"Ingat po sa pag-uwi ha. Madulas ang daan," bilin ko habang pinagbubuksan ng payong si manang.

Halos ambon nalang din naman ang patak ng ulan at papalubog na ang araw kaya pinauwi ko na siya kaysa maabutan pa siya ulit ng ulan at mastranded pa sa bahay na ito.

"Salamat dito, Madam," tumango ako at ngumiti sa kaniya.

Sinigurado ko munang nakasakay na siya bago ako pumasok muli sa loob ng bahay. Mukhang nagpapahinga na sa taas si Joaquin kaya hindi ko na siya inabala pa. Titirahan ko nalang siya ng buko pie, sigurado namang hindi ko mauubos ito.

Nang magsawa na ako ay minabuti kong magshower dahil naambunan ako nang kaunti. Dagdag pa ang tama ng alak sa akin kanina, medyo nahihilo ako.

Matapos kong magshower ay saka ko lang napansin si Joaquin sa loob ng kwarto. Nagpapatuyo ako ng buhok nang umupo ako sa gilid ng kama.

"Nasa baba na ang buko pie, gusto mo ba? Dalhan nalang kita rito," suhestyon ko.

"Masarap 'yon kapag mainit pa," sambit ko. "Sandali lang ah," mukhang wala naman siya sa huwisyo. Baka antok na rin si Joaquun kahit maggagabi palang ngayon.

Napalibot ang tingin ko sa paligid, saka ko nalang nakita ang bote ng alak sa may bedside table. Pinagpatuloy niya? Kaya naman pala.

I shrugged and went downstairs to get the pie. Kumuha na rin ako ng baso, nakakahiya naman kung makikitungga pa ako sa bote niya. Wala siyang ginagamit na baso, wala akong nakita sa table.

"Masarap 'to, tuwing uuwi kami ni mama rito nag-uuwi rin kami ng buko pie," I told him.

He is leaning on the headboard, kaunti nalang ay magsasara na ang talukap ng mga mata niya. I chuckled and poured some drinks for me. Makakatulog na siguro siya once na maubos ito.

"Kumain ka," sinubukan kong subuan siya ng mainit-init na buko pie pero sinandal niya lang ang ulo niya sa balikat ko.

"Bakit ang tagal mong makabalik?" He suddenly asked me.

I nervously chuckled, chineck ko lang naman kung open pa ang talpakan sa tabi ng bilihan ng buko pie! Bukas pa naman siya at nag-ooperate pa rin hanggang ngayon.

"Hehe, may dinaanan lang ako," I reasoned out and ate the pie that I was about to give him.

Napatagal din ako kasi pinilit akong tumaya! Alam na ng lahat ng mga taga-rito ang tungkol sa pagstay namin ni Joaquin bago kami ikasal. Napataya pa tuloy ako nang wala sa oras!

Hindi bale, nanalo naman ako at nakapagbalato rin ako ng buko pie sa kanila.

"Hmm," he responded. Mukhang makakatulog na nga talaga itong si Joaquin.

"How could you do that?" Napakunot ang noo ko sa panibagong tanong niya.

"You rejected my request to continue our kiss," he continued.

I gulped, bakit naaalala niya pang lumabas ako para takasan 'yon!? "S-sorry,"

He chuckled, "Don't be sorry. I'm just asking where did you find the courage? Usually, I am the one who neglects people. It's weird inside, I don't know,"

He shrugged while still leaning on my shoulder. I hesitantly tapped his back.

"Lasing ka lang," I told him.

"I might be," he muttered. Patuloy ako sa paghagod sa likuran niya nang bigla nalang niyang i-angat ang kaniyang ulo.

"Sula," I moved a bit when he called me. "May you guide me?"

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon