URSULA
I was too shock that I didn't even notice that he came back to sleep after kissing my lips.
Dahil sa nangyari ay hinayaan ko nalang siyang matulog mag-isa sa loob at maghintay nalang na umaraw para makapasok sa trabaho. Mabuti na ring mapaaga ako ng pasok ngayon dahil marami pa rin akong kailangang gawin bukod sa rushed commission na 'yon.
Nang mag-7 o'clock na ay lumabas na ako ng kwarto. "Ate, kilala mo ba 'yong may-ari ng kotse roon sa tapat? Mukhang mamahalin," bungad sa akin ng anak ni papa sa labas na si Calliope. Sabay kaming bumaba ng hagdan, naghihintay siyang sagutin ko ang tanong niya.
Hindi niya pala alam na tinakas ko ang phone niya kagabi para lang makatawag kay Joaquin. Mabuti nalang at nakasave ang phone number ko sa kay Calli, kahit wala naman akong natatandaang binigay ko ito sa kahit sino sa kanila.
"Sula, may bisita ka yata?" Nakataas ang kilay sa'kin ni papa.
"Wala po, papasok na ako sa trabaho," tugon ko.
He crossed his arms, "Eh kaninong kotse 'yang nasa labas?"
"Wala po," pilit kong sagot.
"Wala ka bang ibang masasagot kung hindi wala po?" medyo tumaas ang boses niya.
I sighed and raised my voice a little, "Wala naman po kasi talaga," katuwiran ko.
"Umayos ka, Ursula. Malaki ka na," naiinis na naman siya sa akin.
Ano pa bang kinagagalit ni papa, kung sakaling ako nga ang inaabangan ng may-ari ng kotse na 'yan? Sinabi ko na rin namang ikakasal na ako?
I just sighed and told them that I'm leaving. Pumunta ako sa kabilang side ng kotse kung saan nakapuwesto si Joaquin. I knocked on the window three times. Sumilip ako sa loob at nakita ko kung paano siya nairita dahil may gumising sa kaniya. He scratched his eyelids as he roll down the window. Inilahad ko ang kamay ko.
"Akin na 'yong wallet ko, papasok na ako sa trabaho," I told him.
"Hop in, I will drive you there," he offered with his raspy woken up voice.
Umayos siya ng upo at saka ni-ready ang manibela. He even wiped his lips for he drooled a little. "Umuwi ka nalang, medyo malayo ang trabaho ko at mukhang kailangan mo ng magpahinga," I told him.
"Cut that," he glared before brushing his hair with his fingers. Umatras ako nang kaunti nang buksan niya ang pinto ng kotse.
I was shock kasi napansin kong buong pamilya ni papa ang nakamasid sa may pinto! Nang makalabas si Joaquin ay napatingin siya sa tinitignan ko. He casually smiled and waved at my father's family. Kumaway pa pabalik si Calli at pati na rin si tita.
"Might as well introduce me to your family now?" He asked.
I immediately shook my head, "H-hindi, 'wag muna ngayon," I told him.
"Okay?" He bowed at them before gently dragging me on the other side of the car for me to go inside. He opened the door for me and closed it after reassuring that I had sat already.
Before heading inside, he bowed at my family again. Pumasok na rin siya kaagad pagkatapos. I looked at my father through the window glass, he's still glaring at the car.
I felt my heart being heavy. Bakit ba ganoon nalang ang tingin niya? May nagawa ba akong mali? Mas may mamali pa ba kaysa sa pagtataksil niya kay mama noon at paglimot niya sa'min?
I was spacing out, not until Joaquin suddenly hit the break. Making a cup of coffee spilled directly on my white blouse!
"Shit!" I cursed while trying to wipe the stain out of my clothes. Basang-basa na ang damit ko dahil sa kape!
BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romance"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...