URSULA
Nag-aayos ako ng mga papel sa sala nang biglang bumukas ang pinto. It was Wendell, hugging two paper bags.
He looked different, it's my first time to see his hair undone. Naharang na ng bangs niya ang mga mata niya. He also wears hoodie and pajamas, malayo sa suit and tie na palagi niyang suot sa opisina.
"Sula? What are you doing here?" He curiously asked.
I smiled, sinundan ko siya papuntang kusina. "Nag-offer si Raya na dito muna ako mag-stay sa bahay niya. Dito ka rin ba nakatira?"
"No, but it's just a few blocks away. Kaya pala inutusan ako maggrocery," he said.
"Hala, kaya ko naman 'yon gawin. Hindi ba't may pasok ka pa?" I asked him.
"I'm currently unemployed," he chuckled.
"Wendell?" Nagtataka kong tanong. Bakit siya umalis sa opisina?
"I quit. Hindi na kaya ng konsensya ko magtrabaho sa opisinang 'yon," he scratched his nape.
Nagsimula na rin siyang mag-ayos ng mga pinamili niya. Tinulungan ko rin siya para mabilis.
"Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko, napagkamalan niya pang nakikipagkompitensya ako. It is normal to do the job that is assigned to me. Mahirap lang ako, of course kailangan kong magpabango ng pangalan para taasan ang sahod ko,"
"I was assigned to look out for him, I had seen everything. I know a lot about your husband's vices, ni hindi ko nga sinasabi sa papa niya 'yon," he looked at me and sighed.
"S-si Raya rin, umalis dahil kay J-Joaquin," I stopped moving for a while, my heart suddenly felt heavy.
"Sorry," I apologized. Right after, I cried.
Binaba ko sa mesa ang hawak ko para i-cover ang mga mata ko. I forgot, si Joaquin pala ang takot sa luha ko, hindi si Wendell.
Maybe Joaquin really treated me that way dahil alam niyang kakagat ako. Hindi niya pinakita sa akin ang bad sides niya noong hangga't hindi pa kami kasal para maisalba ang posisyon niya sa kompanya. I feel betrayed, ang bigat sa pakiramdam.
"Hindi ko alam kung bakit ikaw ang nagsosorry para sa kaniya," he muttered.
I chuckled, I don't even know why. Siguro dahil asawa ko siya? I feel guilty for all the bad things he did for them two. Pero bago pa naman yata kami ikasal noong mangyari ang lahat.
I admired him that much, noong engaged palang kami, naramdaman kong secured ako kay Joaquin. I wasn't aware na iba pala ang trato niya sa ibang tao.
Pinunasan ko nang marahas ang pisngi ko, "Nakakainis, hindi ako nakinig sa'yo," pinukpok ko ang noo ko sa irita.
"All right, magprepare ka na ng lunch mo. I have to get a job right away. Call me if you need help," he told me.
After arranging the groceries, he left me. Nagpatuloy ako sa pag-aayos ng mga papel na kailangan ko. Hindi lang siya ang aalis sa pamamahala ng mga Bermuda.
Hindi maganda sa kalusugan ko kung magse-stay pa ako sa trabaho ko kay Sir Jihan. Para sa kapakanan ni baby ay magpapahinga muna ako sa trabaho.
"Resignation paper?" Sir Jihan raised his brow as he read the paper that I personally gave to him.
Napaatras ako nang kaunti. Takot pa rin ako kay Sir! He put down the paper and leaned on his swivel chair. "Why did you decide to quit? Ang akala ko ay mahal mo ang trabaho mo?"
"Hehe," anong silbi ng letter of resignation ko kung hindi naman babasahin.
I need time for myself, hindi ko magagawang lumayo kung sa mismong kapatid niya pa ako nagtatrabaho. Ang laki ng tiwala ko sa doctor niya, sana hindi sabihin!
BINABASA MO ANG
The Fortunate
Любовные романы"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...