07

668 35 37
                                    

URSULA

"You being hired here doesn't mean you can easily ditch without telling anyone about it," I bit my lower lip as I listen to my boss.

Kakapasok ko palang at agad akong sinabihan ng mga katrabaho kong pumunta sa opisina ni boss. Nalate pa nga ako ng gising dahil pagod ako at ayaw ibigay sa akin ni Joaquin ang wallet ko hangga't hindi niya ako hinahatid sa bahay namin!

Sa totoo lang, kung may choice pa akong ibang trabaho e di sana kumembot na ako pa-walkout sa kumpanyang ito.

"Bago ka palang Ms. Benedicto but I will still give you a warning. May potential ka, I personally like your style and designs. Pero hindi puwedeng i-tolerate ang incompetence ng isang employee," he scolded me.

Tumango nalang ako't yumuko, "Pasensya na po, sir. Hindi na po mauulit," pagpapaumanhin ko.

Kung hindi lang maganda ang sahod at hindi ko mahal ang trabaho ko, ipapakita ko kung anong hitsura ng tigre kapag galit. Ang sarap talaga kalmutin ni Sir Jihan!

Nang matapos niya akong sermonan ay matik, tinambakan agad ako ng gawain. Mahinhin ko itong kinuha sa table niya at nang makalabas na ako ng opisina niya ay saka ako nagdabog na parang orangutan habang naglalakad pabalik sa cubicle ko.

Masyado niyang pinapahalatang favorite niya ako sa lahat ng mga ka-batch ko sa trabaho. Favorite tambakan ng projects!

"Tangina mo sir pasalamat ka gwapo ka. Bunutin ko 'yang kilay mo isa-isa eh," I muttered.

Napalakas ang pagbagsak ko ng mga papel sa table ko kaya napatingin ang iba kong katrabaho sa gawi ko. Nagpeace sign ako, "Sorry,"

Dahil sa sama ng loob ay sinimulan ko na ang gagawin ko. Hindi na ako naglunch break para matapos ko na kaagad. Ayaw kong makauwi na naman nang umaga. Ito namang mga chill lang na katrabaho ko ay nagsimula na namang mangialam at pag-usapan ang buhay ng kung sino.

"Kahit naman siguro hindi forced marriage, baka pera pa rin ang habol ng babae roon,"

"Puwede ring lahi. Ang gwapo kaya ng mga anak ng CEO!"

"Maniwala ka naman d'yan. Sus! Sa buhay ngayon praktikal dapat. Dumidiskarte lang 'yang babae,"

I overheard a conversation. Binalewala ko nalang at saka nagtipa ulit kahit gusto ko rin sanang makasagap sa intel nila. Medyo masakit pa ang ulo pati ang paa ko dahil sa pagkabugbog ng sapatos sa'kin.

Mabuti nalang talaga at pinahiram ako ng tsinelas ni Wendell. Kung hindi ay baka magang-maga na ang paa ko sa pag-uwi. Naku, kailangan ko nga pala 'yong ibalik. Ayaw kong magkautang na loob sa kaniya o sa kahit sino. 

I suddenly remembered his words. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit ako na-late. Hindi ko nakatulog kakaisip, katulad lang din ba ni papa si Joaquin?

We're running out of time, mas worth it kayang makulong nalang dahil sa kontratang pinirmahan ko kaysa panindigan ang kasal namin? Naguguluhan ako, pero sana nga ay makatulong si Wendell sa pag-iintindi ko sa sitwasyon. 

He knew Joaquin better than me, I should take his advice seriously. Ayaw ko rin namang matulad sa kinahinatnan ng mga magulang ko. Ayaw kong idamay ang magiging anak ko kung sakali ngang masaktan lang din ako sa pinili kong desisyon.

Nang matapos ang lunch break ay nagsibalikan na rin ang mga officemates ko. "Ursula," napaangat ako ng tingin nang may tawag sa'kin.

"Seryoso ba?" she asked. 

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Kung tutuosin ay halos ngayon niya lang ako kinausap, wala namang gustong makipagchikahan sa akin dito. "'Yong ano?" I asked back.

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon