12

752 41 57
                                    

URSULA

Matapos kong magsukat ng susuotin ay sinamahan na rin ako ni Wendell palabas ng silid. May pag-uusapan daw kami nila Mr. Bermuda. Kaya siguro nandito ang buong pamilya nila.

Nang makarating kami sa main hall ay wala pa sila Joaquin at ang papa niya kaya pinaupo nalang muna ako ni Wendell. Kinabahan ako nang makatapat ko sa upuan si Sir Jihan, pati na ang asawa ni Mr. Bermuda.

"Miss, naniniwala ka ba sa sukob?" biglang tanong sa akin ng nakababatang kapatid ni Joaquin.

"Sukob?" I asked. Maririnig ko na siya noon, pero hindi ko siya alam.

"May kapatid ka ba?" He asked again.

"O-oo," naguguluhan akong tumango.

He chuckled, "Ipakasal mo siya sa'kin, tapos sabay kayong ikasal para sukob kayo,"

Kinabahan ako bigla sa sinabi ng binatang 'to, "Seventeen palang ang kapatid ko,"

Binatukan siya ng mama niya dahil sa sinabi nito. "Bakit mo ba pinagpipilitan 'yang sukob na 'yan?"

"Eh kasi malas 'yon! Gusto kong malasin si kuya," he giggled.

"E di parang dinadarag mo na rin ang mapapang-asawa niya sa kamalasan niua sa buhay kung gano'n?" Napalunok ako nang magsalitang muli ang asawa ni Mr. Bermuda.

"Kumusta ka ija? Ayaw akong papasukin ng asawa ko sa fitting room para sana macheck ang gown mo. Pero okay naman ba?" She asked me.

Medyo na-tense ako nang mapansin kong nasa akin na ang lahat ng atensyon nila. "O-opo, ayos lang po kaso tinulungan naman po ako ng staff, pati po ni Wendell,"

"Magkakilala na kayong dalawa?" Sir Jihan asked.

"Woah, nagsasalita siya kapag kasama ka niya?" Gulat na gulat na sambit ni Jaxon.

"Kuya, akala ko pipe 'yan eh," dinig kong bulong niya kay Sir Jihan.

Nagtawanan nalang kami, ilang pagkukwentuhan pa ay mas naging komportable na akong makipag-usap. Mukha lang pala siyang nakaka-tense kausap dahil sa suot niyang sopistikado at eleganteng damit. Pero magaang kasama ang asawa ni Mr. Bermuda.


Kahit ganoon ay may halo pa ring kaba dahil sa bawat buka ko ng bibig ay parang binabantayan ako ni Sir Jihan. Parang inaabangan niya akong magkamali at masermonan!

Tama nga si Joaquin na papansin si Jaxon, pero hindi ako naiirita sa kaniya. Ang cool niyang kausap at napapagaan niya rin ang atmosphere.

As usual, tikom ang bibig at malamig ang titig ni Wendell sa lahat. Milagro nalang siguro ang magpapangiti sa kaniya. 

Ilang sandali pa ay nakabalik na rin sina Mr. Bermuda at Joaquin. Napangiti ako nang malapad nang makita ko ulit ang papa niya. Mas lalong gumaan ang pakiramdam ko.

Pero ang dilim ng aura ni Joaquin, parang kasalanan pa tuloy ang magsaya ngayon.

"Okay, so nandito tayong lahat para planuhin ang kasal," bungad ni Mr. Bermuda.

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon