59

420 21 3
                                    

[a/n: stream black eye by vernon lodicakes]

URSULA

We intentionally went to the campus to pick Calli up pero sumama na rin si Jaxon sa amin papunta sa bahay nila papa.

"Ah, ate, kuya Joaquin, okay lang po bang dumaan tayo sa supermarket?" Tanong ni Calli sa amin.

"It's fine with me, may bibilhin ba kayo?" Joaquin responded.

She scratched her hair, "Hehe, may gusto po akong bilihin. Magtatagal po ba kayo sa bahay, ate?"

"Depende siguro. Actually kinakabahan nga ako," I looked down and fidgetted my fingers.

Paano kung hindi ako tanggapin ni papa? Kahit may sama ng loob ako sa kaniya dahil sa pag-iwas niya sa'kin, hindi ko maitatangging medyo namiss ko naman ang bahay. Kahit puro trauma at neglection lang ang natanggap ko sa kaniya.

Napaangat ang tingin ko nang i-hagod ni Joaquin ang kamay niya sa ulo ko. "Don't worry," he slightly massaged my shoulder to calm me down.

"Bakit ka kinakabahan big sis? Uuwi ka lang naman," I chuckled on Jaxon's question.

"Hindi pa nakakauwi sa bahay si ate simula noong ikasal siya, hindi sila in good terms ni papa," pagpapaliwanag ni Calli.

"Calli," I called her. "Puwede ko bang malaman kung bakit hindi kayo nakaattend noong kasal?"

"Oh, oo nga. We haven't met any of her relatives. Kahit 'yong nag-escort sa kaniya sa aisle ay secretary lang din ni dad. I even thought that he would run away with big sis dahil hindi siya agree sa wedding," Jaxon told us.

Napatawa ako, kahit pala siya ay duda sa motibo ni Wendell, magkapatid nga talaga sila ni Joaquin.

"Sorry ate," she apologized.

"Ayos lang naman sa'kin. Nagtataka lang ako, galit ba talaga si papa noong mga araw na 'yon?" I asked. Wala na rin naman ito sa'kin.

"Kahit ako ay nainis noong hindi niya kami pinayagan ni mama kahit makahabol manlang sa reception. Sobrang sama ng loob niya kasi aalis ka na," komento nito.

"Pero alam kong mahal ka ni papa, hindi lang niya tanggap siguro na ganoon kabilis ang lahat," she smiled, I just nodded.

"Paano pa kaya ngayong ipapakilala ko na ang apo niya? Natatakot ako," I chuckled.

"I'll be here. Don't be scared," pagpapanatag ni Joaquin sa loob ko.

"Ba-back-up din ako, ate!" She raised her hand.

"Sana naman maka-attend na siya, kahit sa birthday nalang ni Darlene," I muttered.

He parked the car at the supermarket. "Kami nalang po ni Jaxon ang pupunta sa loob," sambit ni Calli habang hinihila palabas si Jaxon.

"Tita! Sama po ako," napatingin kaming lahat kay Darlene. Mukhang gusto niya talagang makabonding ang tito at tita niya.

"Okay lang po? Isama si Darlene?" She asked.

Tumango ako. Ngumiti siya sa akin at saka dali-daling binuhat si Darlene at humawak sa kamay ni Jaxon.

"Medyo close silang dalawa ng kapatid mo ah," I told Joaquin.

"Cute," I giggled as I look at them.

Napatingin ako sa gawi niya nang mapansin kong nakatitig pala siya sa akin. "Are you alright?" He asked.

"Ito naman, siyempre okay na ako," I chuckled.

He is not convinced. Ilang sandali pa siyang naghintay kung magpapakatigas pa ba ako at maninindigang okay lang ako at hindi ako affected. I gulped as I look down, "Nakakainis si papa,"

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon