01

1.1K 54 63
                                    

URSULA

Dahil kinukulit akong umuwi ng papa ko, wala akong nagawa kung hindi umuwi nalang din. Siguro mamaya, dadalaw ako kay mama.

Nang makauwi ako ay nakita ko kaagad ang mga handa at bisita ng anak nila. "Ate Sula!" Kumaway-kaway sa'kin ang kapatid ko sa labas na si Calliope, suot ang puting toga at winawagayway pa ang nakamit niyang mga medalya at diploma.

Kaya siguro mas gusto siyang kabonding ni papa. Hindi naman ako matalino, natatyambahan lang din sa mga kaklase.

"Para sa'kin ba 'yan?" She pointed the box of cake na kanina ko pa bitbit.

"Ha? Oo," I nonchalantly spoke at saka binigay sa kaniya ang cake.

Lamog na rin siguro 'yon dahil sa irita ko. "Hehe, ate palabiro ka talaga, hindi ko naman birthday eh," she giggled.

Saka ko nalang napansing binuksan niya na pala ang box at isang malaking "Happy Birthday" ang nakasulat dito. Hindi naman talaga para sa kaniya ang cake na'yon. Gusto ko na ngang kalimutan na graduation niya ngayon para hindi ko isipin kung bakit hindi magawang dalawin ni papa si mama. Kahit simpleng greeting, wala.

Tumango nalang ako at nagcongrats sa kaniya bago pumunta sa loob ng kwarto ko. Niyaya pa ako ng kabit ni papa na kumain kasalo ng iba pero wala talaga akong ganang makipagsalamuha sa mga taong sumira sa relasyon ng magulang ko.

Hindi ko alam sa sarili ko, ramdam ko namang pinipilit nilang makipagclose sa akin, gusto rin nilang lumapit ang loob ko pero hindi ko magawa. Sobrang sama lang siguro ng loob ko.

Sa inis ko ay matulog nalang ako kaysa isiping nakalimutan ni papa ang araw na 'to. Sa sarap ng tulog ko ay nakalimutan ko nang bisitahin si mama sa puntod niya.

Kinabukasan ay pumunta ako sa sementeryo. Bitbit ang panibagong cake ay kumain ako nang mag-isa katabi ang lapida ni mama. "Bakit ang unfair? Gusto ko ring nandito si papa pero mukhang nakalimutan niya na talaga,"

"Kahit para sa'kin lang sana," I muttered as I played with the grass.

It's not fair that my father is completely healed now, it feels like time abandoned me. Bakit nata-trap pa rin ako sa nakaraan?

How can he heal that fast? Dahil ba may distraction siya, o dahil wala naman talaga siyang natitirang feelings para kay mama? Sa akin ba, naiisip niya pa rin kaya ang anak niya sa tunay niyang asawa?

Napatigil ako sa pag-eemote nang marinig kong magring ang aking phone. Napakunot ang noo ko nang makita kong unknown number ang tumatawag sa akin. "Hello?"

["Do you have a free time today? Where can I meet you?"] Napangiwi ako nang makarinig ako ng dollar spokening sa kabilang linya.

"Sino po sila?" Tanong ko.

["Nevermind, I will ask someone to pick you up right now,"] mas lalo akong naweirduhan. Bukod sa panay english siya ay parang sabik pa siyang makita ako!

"Sir, wrong number po yata kayo," I told him.

["Wait for my secretary there, we have some things to deal with,"] matapos no'n ay binaba niya na ang telepono.

I just shrugged, wala naman akong inaabangang tawag? Kakatanggap lang sa'kin sa bagong trabahong in-apply-an ko? Hindi naman siya mukhang prank call, baka wrong number nga.

Kumain nalang akong muli ng cake at nakipag-usap pa kay mama. Marami akong puwedeng i-kwento ngayon lalo na't natapat ako sa opisinang puno ng mga chismis at fakenews.

"Miss Benedicto," napaangat ako ng tingin nang may tumawag sa mabantot kong apelyido.

Kumunot ang noo ko nang may gwapong lalaking nakasuit and tie ang bumungad sa'kin. Seryoso ba, ako ang kausap niya?

The FortunateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon