URSULA
"What if hindi nalang ako tumuloy?" Tanong ko kay Raya na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok.
Bibisitahin muna namin si Derick bago ako umalis. Napagdesisyunan naming sa bahay muna ako ng mga magulang niya magse-stay para hindi ako magulo ni Joaquin.
Lumingon siya sa akin at saka tinapunan ng masasamang tingin. "Hehe, mag-isa lang kasi ako. Hindi ba't delikado 'yon sa buntis?"
"Nandoon si mama. Matutuwa pa nga 'yong mag-alaga ng buntis," sambit nito.
"Baka ma-homesick ako, hindi pa naman ako pamilyar sa lugar," nagkamot ako ng batok.
Humarap siya sa akin nang nakapameywang. "Sula, anong nangyayari? Akala ko ba ay gusto mo 'to?"
"Ano na namang in-offer sa'yo ni Joaquin para magdoubt ka na naman sa mga desisyon mo?" She asked.
I looked down, "Nagsorry siya sa'kin, sinabi niyang hindi niya intensyon 'yong nangyari," I muttered.
She scoffed, "'Wag kang maniwala sa sinabi niya. Hindi ba't ikaw na mismo ang nakakita? Maniwala ka sa nakita mo, Ursula,"
I gulped. But what I saw that night was just a glimpse. Hindi naman sa sinasabi kong hindi ako naniniwala. Paano kung totoo nga? Paano kung tama si Raya?
Every night, there is a part of me that misses him. Pero mas malaking parte ang sakit na nararamamdaman ko. I feel like whenever I think of my husband, it cuts deeper.
Gusto kong maayos, pero natatakot na akong ayusin dahil baka mas masaktan pa ako.
Umalis na kaming dalawa sa bahay niya bitbit ang mga gamit ko. Sometimes I think about going to my father's home, pero hindi nila dapat malamang maghihiwalay na kami ni Joaquin.
I checked my messages if may response si Joaquin. I asked him to open the envelope, kaso tulog na siya noon. Nabuksan niya na kaya? Tatlong araw na akong naghihintay.
Siguro nga ay nabuksan niya na, it might confuse him. Paano kung isipin niyang galing ito sa ibang lalaking pinaghihinalaan niya? Paano na ako?
Kung nabuksan niya na, bakit hindi niya pa ako hinahanap?
Baka busy, siya na ang may-ari ng kompanya nila. Pero, hindi na ba talaga importante ang kasal namin?
"Oo nga pala, hindi niya pa ba pinipirmahan 'yong paper?" She asked me.
I shook my head, "Kailangan pa raw niya ng time para makapag-isip nang mabuti,"
She hissed. "Tsk, sabi na eh. Dapat ako nalang ang pinapunta niyo ni Wendell. I will force him to sign. Masyado kayong mabait para pagbigyan palagi 'yang lalaking 'yan," sambit nito.
"Ako lang ang pumasok sa office niya, Raya. 'Wag ka nang magalit," I hesitantly laugh.
Minsan ay natatakot ako kay Raya, sobrang tapang niya at nakakatakot talaga siyang banggain. Pero alam kong ginagawa niya lang ang mga ito sa akin kasi alam niyang hindi ko kayang depensahan ang sarili ko. I wish I was as strong, as independent as her.
"Ang bait mo kasi! Naiinis ako, bakit sa lahat ng lalaki," she irritatedly scratched her nape. "Ursula, tandaan mo ito, ha. Hindi mo deserve ang mga nangyayari sa'yo ngayon. Poprotektahan kita sa asawa mo, hinding-hindi na 'yon makakalapit sa'yo,"
I just looked down again. Bakit mo naman gagawin 'yon, okay lang naman sa akin. Gusto ko nga siyang lapitan palagi.
Hinintay naming makagising si Derick para maayos ang pagpapaalam ko. Habang naghihintay ay tumingin-tingin nalang muna ako sa social media.

BINABASA MO ANG
The Fortunate
Romance"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...