URSULA
Napasabunot ako sa sarili ko nang makita ko ang pangalawang resulta. Gusto kong sumigaw sa inis, bakit wala pa rin!?
Nakasimangot akong lumabas ng banyo, ang dami na naming sinubukan, ano bang mali?
"You're upset," he said after glancing at me.
Marahas kong kinamot ang ulo ko at yumuko. "Nakakainis, hindi pa nagsisimula ang araw ko pero ganito kaagad,"
"Wala naman kasing nagsabing magtake ka ng pregnancy test nang ganitong oras," he chuckled.
I gasped, lumapit ako sa kaniya, "Kailangan ba may oras?"
He shook his head. "Not really, but the result will definitely affect your day,"
Tama siya, kaya ko sinubukan nang umaga para if ever mayroon na kaming baby, mafe-flex ko ito sa mga kaibigan ko, makakapagpicture pa kami nang magkasama with the kit. Pero hindi ko naman inaasahang mabubwesit lang pala ako.
Ngayong araw ay pupunta ako kanila Caleb para sumama sa biyahe nila papuntang kabilang ibayo. He told me that they needed more manpower kaya niyaya niya ako.
I already asked Joaquin if I can stay there overnight since malayo naman ito. Pagkatapos no'n ay may pasok din ako kaya baka dalawang araw akong hindi makakauwi.
Papalabas na sana ako kaso nga lang ay may nakalimutan akong bitbitin, baka mawarla na naman ako ni Skyler nito.
Namataan ko si Joaquin na may malalim na iniisip nang makapasok ako sa kwarto namin. Day off niya ngayon, he even offered me a ride pero ang alam ko ay may lakad din siya mamaya. Nakaupo siya sa bedside table at seryosong nakatingin sa cosmetics na nakakalat sa mesa.
"Ayos ka lang?" I asked. Lumapit ako sa kaniya habang nagtatanong. Hindi niya ako sinagot, nakatitig lang siya sa mga nakakalat na cosmetics. Hindi ba siya marunong?
"Ako nalang ang magmemake up sa'yo," I offered.
"You sure? Mukhang kanina ka pa nagmamadali," he asked.
"Ayos lang 'yan. Light make up lang," sambit ko habang binababa lahat ng mga gamit na bitbit ko.
Kahit hindi naman niya sinabing kailangan niyang magmake up ay gagawin ko pa rin. Nawalan ako ng ganang umalis, papatagalin ko nalang ang sarili ko sa bahay.
Dumampot ako ng powder as saka nilagyan siya. He doesn't need any of these, pulbo lang ang lakas na kaagad ng dating niya.
I was busy doing his makeup that I wasn't aware how he stares at me. Tumingin ako sa mata niya, "Pikit ka,"
"Why? I want to look at your face,"
I scoffed, "Gago maglalagay ako ng eye shadow,"
He just sighed and obeyed. Nang matapos ay pinadilat ko rin siya kaagad. Napangiti nalang ako nang ma-emphasize ng eyeshadow kung gaano kaganda ang mga mata niya.
Now it's his lips. He doesn't really need anything for his lips, I just chose a lipstick with a natural shade. I held his jaw and tried to put some on his lips.
Nairita ako nang gumalaw siya. I crouch down more. "'Wag kang malikot, hindi ko mapapantay,"
"Gumagalaw itong upuan eh," I gasped when he suddenly grabbed my waist.
I unintentionally fell on his lap, he took my hand and placed it on his jaw again. He snatched the lipstick on my hand and applied it on my lips. He smirked before pulling me closer for him to kiss me.
"How about this? Pantay na ba?" He asked, still close to my face.
"T-tangina mo," now the lipstick already smudged on his face!
![](https://img.wattpad.com/cover/294696771-288-k456045.jpg)
BINABASA MO ANG
The Fortunate
Любовные романы"Before you knew it, you're already part of the blueprint," Kung saan ang isang raffle winner ay namomroblema kung paano niya maiuuwi ang isang refrigerator, not knowing that the prize she's about to receive is actually a husband. note: contains mat...