“Ingat po. See you later.” I waved my hands goodbye.
Napatigil ako at nadako ang tingin sa pinakaayaw kong parte ng bahay.
I stared at the stairs for a while, remembering what happened there years ago and how many bad memories I have in that place.
“Mommy, look! I’ve got an A+ grades on English!”
I run towards her at naabutan ko siya sa hagdan. I showed her the paper I am holding.
She reached for my cheeks and caressed it. “Baby, I'm sorry. Mommy have to go na, later na lang.” She kissed my forehead before waving goodbye.
I am 5 years old when my first painful experince happened. I hate being ignored. I hate what my Mommy did but I still love her.
Nakaupo ako sa hagdan, nakahalumbaba habang hawak ang bagay na ipakikita ko kila Mommy kapag dumating na sila. It's already 10:00 PM pero wala pa rin sila.
Agad akong napatayo nang marinig na bumukas ang pinto. Wearing my big and excited smile, tumakbo ulit ako palapit sa kanila na nasa hagdan na rin ngayon.
“Mommy, Daddy, I won 1st place in a science quiz bee earlier! Look at my troph—” I was cut off by Mommy's words.
“Tomorrow na, anak. Mom and Dad is tired. Goodnight.”
I'm just 9 years old back then.
“Ma, a certificate. Top student po ako this quarter with an average of 98.4.” I announced, expecting nothing.
“Late na ako,”
I sighed and slowly nodded.
A 13 year-old me got ignored with my achievement again. I promised to myself that I will never annonunced anything to them since they are not interested to me and my things.
“Kuya, alis na ako.” Paalam ko kay Kuya Alion na nasa sala.
Hahakbang na sana ako paalis nang magsalita pa siya. Napahinto ako pero hindi na nag-abalang lumingon pa.
“Hindi ka na ba magpapaalam kila Mommy? Nasa taas sila, nagpapahinga from taping.” Aniya.
Sinulyapan ko siya na palapit na sa akin ngayon. Umiling ako.
“Hindi na. Ikaw na lang ang magsabi na pumasok na ako o... kahit huwag na.” Sambit ko.
He stopped me again when I was about to walk away. “Araseli,”
“Alam kong may tampo ka sa kanila but they are still our parents. Think about it, you might lose things you should not and can not.”
Ni hindi na ako nakatingin kay Kuya. Bahagya na lang akong tumango at binawi ang braso ko. Naglakad ako paalis ng lumilipad ang isip kung saan.
Kuya Alion is... right.
Pero hindi ba't parang wala na rin naman ang mga magulang ko sa akin?
Ah, nevermind.
Last day bago ang intramurals. Kabi-kabila ang preparations sa school, gayon din ang pagpa-practice ng mga atleta. Buti talaga at wala akong sinalihan, nakakapagod.
Nasa gate pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang lakas ng boses ni Vicen kasama ang VP namin na si Benj.
“Ms. Pres!” Malakas ma tawag ni Vicen.
“Kumusta?” Tanong ko agad.
The side of his lips rose up. “Ayos naman ako, Pres!”
My lips pursed, I tried not to laugh. “I mean, 'yong pag-aayos dito, kumusta?”
Nagulat pa siya at napakamot sa batok, nahiya sa maling pagkakaintindi. Hindi ko rin naman kasi nilinaw.
“Ay, medyo pahiya ka ro'n, Cen.” Tumatawang singit ni Benj.
Sinamaan siya ng tingin ni Vicen. “Manahimik ka, BJ.” Inirapan niya pa ito.
Humarap siya sa akin at ngumiti. I bit my lower lip para pigilan ang tawa ko.
“Maayos, Pres. Medyo marami pang gawain pero matatapos naman bago humapon.”
I just nodded.
Nagpaalam na rin ako na mag-iikot muna bago pumasok sa room, maaga pa naman. Ich-check ko kung gaano ka karami ang gagawin para makatulong ako kapag free time mamaya.
Nagpunta ako sa gymnasium. It was all settled, kaunting palamuti na lang at matatapos na.
Sinunod ko ang kwarto ng art club kung saan ako kabilang. Muntik pa akong matumba nang banner at posters ng Acer ang sumalubong sa akin pagpasok na pagpasok ko sa room.
Napailing na lang ako. Wala namang nakapansin kaya umakto akong normal papasok. Ang limang ‘yon, nakakagulat ang mukha nila, puwede nang panakot sa daga.
“Nakakagulat ‘yon, ah.” Turo ko sa bagay na nasa may pinto.
Tinawanan nila ako. Sinabi pa nilang ang ‘gwapo’ nga raw ng nasa pintong iyon, kaya raw siguro ako nagulat. Ew.
Pagkatapos mag-ikot ay dumiretso na ako sa classroom ko. Excuse naman ako mamayang tanghali para mag-ayos kaya pagtitiisan ko na ang boring na klase ngayong umaga.
“Pres, 8:00 AM daw makakarating ang Acer bukas.”
Tumango na lang ako sa sinabi ni Benj. Kahit naman hindi sila dumating, maitatawid namin ang intrams. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan pa sila bukas.
Sabay-sabay kaming nag-lunch nila Vicen at Benj sa room ng art club, binilhan lang nila ako dahil doon ako dumiretso pagkatapos ng huling klase noong umaga.
“Hindi mo matatakasan ang lunch,” usal ni Vicen.
“Hindi ako nag-almusal.” Walang ganang sambit ko.
Napailing pa siya. “Ang kulit. Magkakasakit ka niyan.”
Hindi ko na siya sinagot at kumain na lang. Hindi naman kasi ako sanay ng marami ang kinakain, isa pa, nabubuhay ako sa dalawang beses sa isang araw na pagkain.
“Pres talaga, pinag-aalala si Sec.” Nang-aasar na sambit pa ni Benj.
I rolled my eyes. “Hindi ko naman kailangan ng pag-aalala niyan.”
Vicen raised a brow, he smirked. “Pagmamahal ko na lang ang kailanganin mo, Pres.”
Kasalukuyan akong nasa art club ngayon para tumulong. Naggugupit ako ng mga design at iba pang palamuti para bukas. Nagp-practice sila Benj at Vicen kaya hindi ko sila kasama.
“Pres, ilakad mo kami sa Acer bukas, ah,” nakangiting binangga pa ni Mica ang braso ko, tass-baba ang kilay.
Kumunot ang noo ko. “Anong ilakad? Bakit ako?”
“For sure makakausap mo sila, Presidente ka ng SSG, e. Kaya sige na!” Pamimilit pa nila.
“Bakit ba patay na patay kayo sa kanila?” I asked.
Halos mangisay naman ang mga babaeng kasama ko. "Can’t you see, Pres? They are so gwapo, talentado pa!” Nagtilian pa.
“Gwapo nga, ano naman?” I rolled my eyes.
BINABASA MO ANG
Unseen Treasure
Teen FictionV A N Q U I S H S E R I E S 4: Unseen Treasure Sa mansion ng mga Espanto naroon at nagdidilang hangin ang isang dalagita. Ang naturingang prinsesa ng mga Espanto sa harap ng midya ngunit halos hindi na makita sa loob ng mansion ng pamilya. Sa kabila...