XIII

19 2 0
                                    

"Daddy... gising ka na po..."

Apat araw na siya rito sa ospital. Apat na araw na rin akong hindi pumapasok. Apat na araw na rin kaming naghihintay ng paggising niya. Mainit pa rin ang mata sa amin ng mga tao hanggang ngayon.

Araw-araw, lugmok na lugmok si Mommy. She's not talking, almost not eating and always tired. Umiiyak na lang din siya bigla at hindi iniiwan si Daddy sa ospital kahit pilit naming pinauuwi para magpahinga.

Hindi siya uma-attend ng taping since wala rin naman ang katambal na asawa. Hindi siya nagpapa-interview para linawin sa mga tao ang sitwasyon ni Daddy. Wala siyang ginagawang hakbang kundi ang hindi umalis sa tabi ni Daddy.

Katarina Agustin already respond a clear statement for the issues between her and my Dad but the netizens is still doubting their connection. Ipinipilit nilang mayroon silang relasyon kahit wala naman talaga.

Nakatulog na ako habang nagbabantay kay Daddy. Hindi rin kasi ako makatulog ng maayos nitong mga nakaraang araw dahil sa mga nangyayari sa pamilya namin.

"Ate, wake up," Axus tapped my shoulders, nagising agad ako. "Umaga na po, si Kuya naman." Aniya.

Nagpaalam na kami kay Kuya, ako ang maghahatid kay Axus sa school. Hindi namin siya hinahayaang mag-absent. Si Mommy, nasa bahay at nagpapahinga. Ngayon lang siya umuwi ulit sa bahay.

"Siya 'yong anak noong may issue, 'di ba?"

"Karma siguro ng Tatay niya ang nangyari sa kaniya."

"Nagpapasikat lang ang Ama niyan, gusto pa ng maraming spotlight."

I gulped. Pinilit kong hindi pansinin ang mga tao sa paligid na hinuhusgahan ang pamilya namin. Mga walang magawa sa buhay.

"Tandaan mo, don't let yourself to lose control and be affected to what they're saying, okay? Huwag mong pakikinggan ang sinasabi ng iba. Sa aming pamilya mo lang ka makinig. Walang ginawang masama si Daddy." I said and he nodded.

Pag-uwi ko sa bahay, napalibot ang mga mata ko sa paligid. This is what I always feel when I'm home. It feels so empty. Na lalo pang nagmukhang walang buhay ngayong malungkot lahat ng tao rito at nasa ospital si Daddy.

Umakyat ako at dumiretso sa kwarto nila Mommy. Pagbukas ko ng pinto, nasilayan ko agad ang nagpapahingang Ina. Mahimbing itong natutulog, dala na rin ng pagod, nanghihina siya.

Pumunta ako sa kwarto ko at doon muna naglagi. Wala naman akong gagawin. Ayoko pang pumasok. Kagagaling ko lang sa ospital at nagbantay kay Daddy. Siguro ay ipapahinga ko na lang muna ang isipan.

Paggising ko, tanghalian. Pinuntahan ko ulit si Mommy pero natutulog pa rin ito. I tried to wake her up pero nasigawan lang ako at pinaalis. Pagod siya, pagod lang siya.

Mag-isa akong kumain dahil ayaw pa rin niyang bumangon at lumabas mg kwarto. Halos wala rin naman akong nakain dahil wala akong gana. Sino ba namang magkakaroon ng gana sa mga gawin sa sitwasyong 'to?

Kinabukasan, maaga akong nag-ayos at gumising dahil ako ulit ang magbabantay kay Daddy. Si Mommy kagabi kaya pauuwiin ko muna siya ngayon para magpahinga ulit.

"Mommy," nilingon niya ako. "Uwi na po muna kayo, ako na po bahala rito." Sabi ko.

"Hindi ka na naman pumapasok." Aniya. Napayuko agad ako.

"Huwag mong takbuhan ang gulo, anak. Hindi ka na bata, alam kong kaya mo nang lumaban. As long as you know the truth, don't let anyone's words to affect you." Hinagpos nito ang buhok ko.

Hindi ko tinatakbuhan ang gulo, hindi ko pa lang talaga kayang makarinig ng kung ano-ano mula sa madla ngayon. Buti sana kung wala si Daddy dito, kaso narito't inaalala namin siya. Ayoko lang dagdagan pa ang isipin ko.

Alam kong hindi na ako bata. I can actually defeat them pero natatakot ako. Ang nangyayari, ginagawa ko na naman ang ginawa ko na noon. Ang umiwas at lumayo para sa ikabubuti ko.

"Hindi ko pa po kaya..." Mahinang sagot ko.

"I know you adopted a trauma nang una mong maranasan ang ganito. But you have to surpass it. Hindi pwedeng ganito palagi."

I sighed and just nodded. Hindi nga pwedeng ganito palagi. Pero just wait me to be there, makakayanan ko rin ito.

Tahimik akong nakamasid kay Daddy nang bumukas ang pinto ng kwarto niya. I thought it was the nurse that came back to check Dad's condition but no, a guy entered the room.

Gulat kong sinundan ng tingin ang lalaking papalapit sa akin. Gaya ng suot niya noong isang linggo, gano'n ulit ngayon. A black hoodie, pants, cap and a mask. Mata at kamay lang ang kita sa kaniya pero kilala ko na agad.

"Hey, kamusta?" He asked. Sa gulat ay hindi agad ako nakasagot. I was like 'anong ginagawa niya rito?'.

"What are you doing here?" I asked. Humila siya ng upuan para maupo sa tabi ko sa gilid ng kama ni Daddy.

"Off ko ngayon because it's Friday. Walang exam so I decided to visit you." Sagot niya agad. "Paano mo nalamang narito ako?" Tanong ko pa.

"I asked Kuya Alion at oo, nagkaka-usap kami. Kaibigan siya ni Kuya Pier, pinupuntahan niya kami minsan sa studio so yeah, may connection kami kahit paano." Dire-diretsong aniya.

Hindi ko alam na may kaibigan pala si Kuya na isang P-Pop idol. Masasabi kong hindi nga kami malapit sa isa't isa. Medyo nagulat pa ako nang malamang si Kuya pa ang nagsabi kung nasaan ako. Itinataboy niya nga lahat ng lumalapit na lalaki sa akin.

"Ayos ka lang ba? Kamusta kayo ng family mo?"

I sighed. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong ayos lang kami. Ang daming ganap," sagot ko.

Napabuntong hininga rin siya at bahagyang ngumuso. "How can I help to make you feeling better?" He asked after a minute of silence.

"Cheese..." I mumbled. "Cheese burger. I'm hungry." Nakangusong sambit ko.

Mahina siyang natawa. "Cheese burger lover?" I nodded at his question. "Cute." He brushed my cheeks with his fingers again. Nasasanay na siya.

"I'll buy a whole cheese burger shop just to make you feel better, Araseli."

Unseen TreasureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon